natatakot akong lagyan ng title. hahaha.

in drugs or in violence
or in endless sex penitence,
they try to soothe the bruises

of their souls that were
punched and slapped in the hazing.
they’re friends, anyway,
friends by the vapor

hanging in the window,
clogged by heavy moans
or cloudy, organic breaths.

drifting, their world seems weightless.
because nobody knows about gravity, that is.
plus, dust is hardly seen

in black clothes hung together
at one side of the cafeteria
where we do not notice

the applicants walking by.
later in room 204,
they’d take off his heavy cloak.
and there begins the chain of penitence
just to have the access.

YOU DON’T GET A SECOND CHANCE TO MAKE A FIRST IMPRESSION, BUT NEVERMIND.

5:26 PM 10/11/2011
isa sa mga hindi ko malilimutang tao sa outcrop ay si erik escalante. hindi naman kami close. sa totoo lang, malamang limot na ako nun. hindi ko rin naman dapat nalaman kung ano ang pangalan niya, let alone yung info na nage-exist pala siya. naging instruk siya sa isang feature writing workshop na hindi ko kinatamarang daluhan noong nasa OC pa’ko. bakla, perfectionist, mataray, magaling magsulat, tibak — yun siya. yun na yun siya. sa isang malamig na hapon, maulan, madilim, sa lumang opis ng OC, pinaghatian namin ang ilang oras ng aming mga buhay.

Dahil wala naman talaga akong katorya-toryang tao sa personal (liban na lang kapag tinotopak at biglang poporma), ang first impression niya sa akin ay isang ellipsis. hindi gaya kay majeng na isa raw “ruel” (positive; EIC si ruel). tapos, yun na nga ang kaso, na-weirdohan pa siya sa akin. kasalanan ni ma’am ram. nagtanong siya kung sinong tao ang ifea-feat namin kunsakali. e may hangover pa ako ng walkout nun. haha. at alam niyo naman ang istorya ng bonggang bongga kong pagwa-walk out for the ferz taym.

so, ang weird ko raw. (negatively)

pinalabas niya kami. since defamiliarization ng bottomline ng workshop, maghanap daw kami ng ide-defamiliarize. amp. lumabas kami at nagtungo sa JL. wala namang masyadong nandoon. si inah, nasa salamin. si diane, nagpapaka-deep habang nakaupo sa sahig. ako naman, nagchenez chenez lang.

pagbalik sa JL, nag-present na kami ng tatlong bagay na idini-familiarize namin. heto yung mga sa akin:

CUP NG STARBUCKS SA BASURAHAN: kahit gaano ka-mamahalin ang burgis na disposable cup, sa basurahan pa rin ang diretso niyan. plastic yan e. hindi mababago ng burgesya ang core ng isang bagay. at kahit gaano pa ka-burgis yan, mapupunta at mapupunta rin yan sa dapat hantungan.

PAYONG: ang payong ang dumaranas ng hagupit ng mabigat na tulo ng ulan imbes na ang taong nasa ilalim nito. simbolo ng pangangalaga at pagsasakripisyo ang payong. ngunit napaka martir ng payong at napaka masokista. matapos siyang ipanangga sa ulan, ang payong ay ilalagay lang diyan sa tabi-tabi, madalas iwinawala, hindi man lang naaayos ang pagkakatiklop (at least sa akin).

HINDI MAAYOS NA PAGKAKA-ALIS NG PASKIL NG WALKOUT SA JL: napunit ang mga gilid ng papel na naka-attach sa scotch tape na nakadikit sa pinto. hinablot lamang ito ng naglinis; ang pagka-punit ng papel ay galit at rahas. lumalaban nang may agresyon, hindi basta-basta paaalis sa pinto. wala na ang poster ngunit naroon pa rin ang tapang ng laban.

natuwa nang husto si erik escalante (paborito niya yung pangatlo); napa-conclude siya na dito talaga natin masisilip ang isang tao –sa kanilang pag-iisip at persepsyon sa mundo– at yung masisilip mo na yon ay maaaring malayo sa appearance nila. kilig naman ako. yon na mismo ang essence ng defamiliarization — ang pagtingin sa ibang anggulo, ang pagsilip na hindi lang basta paningin ang ginagamit. halimbawa, ang defamiliarization ko sa mga halaman: sila’y mga modelo na inirarampa ang ganda ng kalikasan (oxymoron) at sila lang ang may totoong “humble na kagandahan”. hindi sila mayabang gaya ng mga hayop, hindi nila ginagamit ang kanilang kagandahan sa panlalandi ng kapwa halaman. ni hindi nga sila lumalandi e. subalit sa likod ng kanilang kagandahan, may mga bata na nalilito kung living o non-living things sila (at least nalito ako noon). para bang plastic lang ang kagandahan ng isang rosas, ng isang orchid, ng dahon ng coconut dahil hindi sila gumagalaw, dahil hindi nila ginagamit ang ganda nila sa panlalandi ng kapwa. kung naging dominant ang mga halaman, malamang, natutunan natin na ang kagandahan ay hindi elemento ng kalandian. ang kagandahan ay wagas at walang bahid.

*insert essay featuring the culture of beauty pageants and the whole point of radical feminism*

…o diba, hindi mahirap mag-isip ng isusulat. mag defamiliarize lang.