Dahil minsan, walang papantay sa ligaya dulot ng…
Kaninang tanghali, habang naglalakad patungong Vanguard, bumuhos ang manipis na ambon. Timing, wala akong payong.
Tumigil muna ako sa waiting shade, hanggang sa pagtila ng ulan. After some minutes of pagmumuni-muni at disdain sa mag-jowang sa ilalim ng puno nagde-date, lakad na ulit ako.
Sa pagpapatuloy, nag-text ako sa mama ko, para sa kapatid ko na second year highschool, mga apat na taon ang tanda ko sa kanya. Ma, sabihin mo kay Mike mag-aral nang mabuti, para hintayin ko siya dito, maging magkaklase kami. 40% ng grade sa UPCAT ay highschool grades, ka mo.
Lakad pa rin. Noong papasok na ako ng Vanguard, sinalubong ako ng dalawang batang babae na kay rumi rumi ng balat, pilas ang damit, at may hinihilang sako ng plastic bottles. Fairies in disguise sila, fyi.
“Kaunting barya naman po!”
Natigilan ako sa paglalakad, bagaman hindi nila ako hinarang. Casual lang, mas casual pa sa “hi miss!” ng mga papansing tambay, pero matunog yung sa kanila. May kakaibang huni sa tainga ko…hindi huni ng pagkahiya o huni ng pag-asa. Huni iyong ng pagkabagot sa buhay at masalimuot na pagmamakaawa. Malamang sa malamang, maraming beses na silang nanghingi sa mga makakasalubong (kaya drained na ang lahat ng hiya sa katawan nila) at maraming beses na silang hindi pinansin at pinakinggan (kaya wala nang huni ng pag-asa, or whatever, pero polished na).
So, dahil nasa mood naman ako, at bright days mode ako ngayon, binuksan ko ang zipper ng black messenger bag ko at hinalukay ang coin purse. Sinara ko ulit at binuksan ang iba pang zipper. Wala akong sensory memory eh. (Trivia.)
Nakatingala lang sila sa’kin, casual pa rin ang hitsura. Not thrilled, not excited, a bit curious.
“Taga sa’n kayo?” tanong ko.
Di agad sila nakasagot (nagtinginan muna). Inisip ko na lang na malamang, hindi naman sila kasama sa sindikato ng mga “Badjao ng Cainta” (which I’m dying to write a story about) kaya oks lang ‘to. Oks lang. Resident daw sila sa di-kalayuang residential area (ako na ang mahina sa names) at tunog legit naman ang sagot nila.
Pero pagsilip ko sa mga barya, biglang bumalikwas ang isip ko. Tangs, mamamasahe pa ako sa ikot. Ba’t ba ko pa-entertain sa mga ‘to? “Tsk. Wala na pala akong barya.” Sinimangutan ko sila, nagkasimangutan kami. Hindi kami umaalis sa pwesto hanggang isinara ko na ang zipper ng wallet ko, at humila uli ng pangalawang zipper.
Para lang akong live show habang nagzi-zipper ng wallet, pinapanood nila.
“Ayan.”Inabutan ko ng sila ng papel na bente, “Tig-dies kayo,” ‘kako, sabay ngiti sa kanila. Pakyut lang.
Nagpasalamat ang dalawa at naghiwa-hiwalay na kami. May konti namang brightness sa kanila, konti lang, pero naiintindihan ko naman nang lubos kung bakit walang brightness minsan (o madalas) kahit meron dapat. Pero sa pagpapatuloy ko ng aking paglakad, pakiramdam ko, i’m shining on the world. At props lang sila para ma-show ko that i’m shining! Ang gaang ng pakiramdam ko. Feel ko, ang yaman yaman ko, for it’s Christmas again.
Sabi ng imaginary boyfriend ko, Galante, hah! Yan ang laging unli! Tinulak ko tuloy. Pweh.
Ah, bukod sa unnecessarily emotional and dramatic na pakikipagrelasyon, ano nga ba naman ang pinaka-sweet na korneyng naimbento ng tao?
Pagbibigayan.
Like this:
One blogger likes this post.