Kevin:
hey yo! musta.
Mia:
i don’t play the general’s game. mehehehe. it’s super cold and gray out here. it’s like baguio
Kevin:
Gray?
Uulan lng
Mia:
it’s raining..hard.
hey look ive got a new tattoo on my arm
Image0175.jpg
Kevin:
Beautiful. Stop messing your body! It is not very pleasant.
Mia:
for me it;s pleasant.haha
Kevin:
No its not.
Magmumukha kng adik.
Appealing! Ung word n hinahanap ko. Not very appealing.
How can u wear swimsuit now with that scar! T^T
Mia:
hey. you are so judgmental. por que ba inked na, ameth adict na? WHOAAA.
i still can wear swimsuit
you are sooooo like my parents
Kevin:
no im not. im being stereotypic.
pero hindi n mukhang sexy pag nagswimsuit k.
Mia:
it’s not sexier for you bcos the girl will no longer look vulnerable.
she will look badass, and the guys cannot fuck her.
it’s the truth. men want women to look helpless, not badass,
right?
http://t2.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTeiX8oRkEtLzy_CoGxPiG_sm__rAAiSFTYQeYQfHuJt4DNxyCNvg&reload=on
Kevin:
thats the point.
men want women to look helpless
how can u find a potential mate if u look like a badass
Mia:
i AM NOT helpless.
oh come on.people masturbate over my pictures,
and i want badass men who want badass women.
Kevin:
then i can u grow ur child?
Mia:
no.
haha what?
tagalogin mo nga
Kevin:
mali!
the how can u grow ur child
i feel so stupid right now
Mia:
hmmmmm i will share to it my philosophy
no. i dont want kids
read larkin’s poem, this be the verse
my favorite poet
Kevin:
nah. i dont like reading
Mia:
ok!
Kevin:
but still stop tattooing
u r like my sister.
Mia:
she has tattoos?
let me see see see!
DDD
Mia:
no i wont stop sorry
Kevin:
nicole ligeralde
find that
on my friends
nicole march pla
wala pla siang tattoo sa mga pics nia
hanap ako dito s comp
Kevin:
393921_2206309212207_1681723533_1537126_1681408399_n (1).jpg
Mia:
HAHA! cooooool
but thats not my style mehehehe
I WILL NEVER GET A CHEST TATT
Kevin:
meron pa sa likod nia
Mia:
but she;s awesoooooome
Kevin:
pakpak nia
Mia:
ano backpiece nia? hihihihi
Kevin:
pakpak ung s likod nia
Mia Angela A. Dagsaan
meron ba cya sa arms?
Kevin:
wala
Mia:
how old is she?.
Kevin:
pla
20
Mia:
i <3 her
Kevin Edlaregil
stop patrionizing her
shes a mess
no goal in life
Mia:
AWWWW. i'm going to be full sleeved girl pa naman.haha
i will only have my arm and my lower legs tattd
Kevin:
STOP
Mia:
NOOOOOO
I WILL WORK HARD TO EARN FOR MY TATTOOS
im not patronizing her,haha
i just like that aura
Kevin:
pangit kaya ng tattoo
Mia:
i dont care what you think
Kevin:
nakakita k na ba ng pornstar n may tattoo? ung malaking tattoo.
kung meron pangit kaya panuorin
Mia:
I DONT INTEND ON BEING A PORNSTAR EHEM.
Kevin:
me neither. so stop tattooing
mas maganda babae pag sexy
Mia:
I DONT INTEND TO BE A BEAUTIFUL SIGHT TO ANYONE
I DONT CARE IF I GET OVERWEIGHT AND DIE BCOS OF IT SOMEDAY
I DONT CARE
Kevin:
ok. suit urself
musta
XD
Mia:
i'm tired. gotta rest. goodnight for me, kevin
Kevin:
bb
=====
nasa computer shop ako ngayon, at sobrang torture ang keyboard. noooooo.
e pano, ayoko pang umuwi. ayokong tumapak sa pamamahay nila. wala namang problema. oo wala nga. wala ngang problema.
pag nandun naman ako sa bahay namin, pakiramdam ko bedspacer pa rin ako. hindi nga lang siguro bedspacer e, alagang palamunin at pasahurin. buong araw kasi, nagkukulong lang ako sa loob ng kuwarto, tapos biglang bubukas yung pinto at hahatiran ako ng pagkain, kung hindi naman ako tatawagin [ara lumabas kumain.
siguro sasabihin ninyong "Prinsesa" ang lagay ko, pero hindi. malayo yun sa prinsesa. para lang akong patabaing baboy.
masama pa naman kapag nagalit ako. kasi kapag nagalit ako, napuno at nagdamdam, hindi ako umiimik. wala akong sinasabi. sa totoo lang, nagpapakaplastik pa ako at makikisama lang. pero nasa loob ang kulo ko. unti-unti na akong mangyayamot, magrerebelde, in the most covert ways.
tutal hindi naman pala hassle umuwi ng 11 pm, nag-cross na sa isipan kong mag stay na lang sa McDo Katipunan forever para lang huwag na silang makahalubilo. tutal, nasasayang lang naman din ang oras ko sa bahay at wala naman akong ginagawang matino. wi-fi sa mcdo, di ba, aircon.
pero wala pa naman akong balak gawin yan ngayong gabi. naiisip ko pa lang. marami pa kasi akong acads. mehehehe.
ako pa. inaamin ko, magaling akong magsinungaling at maglihim. pero dahil andito naman lahat sa blog ko, share share tayo. HAHAHA. ewan ko na lang kung malaman ng mga magulang ko ang tungkol dito (patay ako). malamang-lamang pauuwiin ako sa probinsya, at wawakasan nila ang magiging wild life ko sana. pag ganun na mga isang buwan na e wala na kayong naririnig mula sa akin. ibig sabihin niyan nag-overdose at namatay na ako. iinom ako ng aspirin. isang bote.
as to the suicide letter, mumurahin ko na lang sila. SINIRA NIYO ANG BUHAY KO. kung mababasa niyo lang ang accounts ko simula 2007, magiging malinaw sa lahat kung paano ako unti-unting napariwara sa mundo. at malaking kasalanan iyon ng mga magulang ko, pati ang kaistriktuhan ng relihiyon na ipinaiiral nila sa amin. lumaki akong punung-puno ng kahilingan sa kalayaan ng pagpapahayag sa sarili. napakaraming bagay na hindi ko nasabi sa mga magulang ko dahil “bawal”. sa paaralan pa lang, dama ko na ang pang-aapi ng isolation. ako lang yung tipong bawal sumali sa mga sayawan at party party. noong prom, hindi ko man lang napaunlakan ang taong pinakamamahal ko na maisayaw ako. napakasakit ng mga pinagdaanan ko, parang hindi ako nagkabuhay. tapos hindi lang iyon. minsan makakatulog akong umiiyak dahil sa masasakit na salita ng ama ko laban sa aking ina, mga pagmumura sa harap namin. may umagang gumising na ako na puno ng bubog ang buong bahay namin. minsan, magkausap kami ng mama ko, ikwekwento niya sa akin ang mga karahasan ng ama ko sa kaniya. malinaw pa rin sa aking ala-ala, pati ang mga timba timba ng luha na dinanas ko. alam niyo yung tipong kumakain ka ng hapunan, tahimik, tapos biglang magsisimula ang mga pagtatalak ng ama mo? madali lang magbingi-bingihan sa harap nila, pero yung tipong may tatalsik nang bubog sa binti mo — hindi ka na makakakain. iiyak ka na lang. minsan namang sinagot ko sila at sinubukang patigilin sa pag-aaway, nasapak pa ako ng tatay ko.
sinakripisyo ko na nga ang buong buhay ko para sa kanila. hindi ako nagkaroon ng barkada or whatever dahil sa pagsisinop nila sa akin. ginawa nila akong gahaman sa achievement — “O? Bakit 6th honor ka lang? Hindi ka kasi nag-aaral!” — binihisan nila akong parang manika at isinali sa tea party nila araw-araw. para akong si Rose ng Titanic, to some extent. all prim and proper with the skirt and blouse and special table for the minister’s family.
pano na nga ba ako namulat sa porno? naaalala ko pa ang gabi na iyon. akala nila tulog na ako, pero naririnig ko pa sa kabilang kuwarto ang pinag-uusapan nila. noong panahon kasi na iyon, nauso ang friendster tsaka mga community community, kaya kumukuha ako ng pictures sa webcam namin. sabi ng tatay ko, ginagawa ko raw yun dahil naghahanap daw ako ng lalaking aakitin. LALAKING AAKITIN. 13 lang ako noon. hindi na raw ako makakapagtapos ng pag-aaral kasi lalandi na lang daw ako. e wala naman akong magawa kundi umiyak na lang at pakinggan ang sinasabi nila…nagpapakabuti ako pero iniisipan nila ako ng masama. para saan pa ang lahat ng pagpipigil ko at pagpapakabait para sa kanila? EDI SIGE TOTOHANIN NATIN YANG MGA SINASABI NIYO, LECHE. napadpad ako sa literotica. siyempre, literary ako e.
pinakauna akong nakanood ng sex video, yung pinanood talaga, 2nd sem ng first year. inaamin ko, naadik ako sa porno sometime last sem. i was a porn addict. period.
so far, pa-easy easy pa lang naman ang mga pagrerebelde ko. hindi pa naman ako full-time LUX LISBON, although alam natin na papapunta ako roon, kung hindi ako pupunuin ng mga tao sa paligid ko. pero sa totoo lang, nabawasan na ako ng tinik kahit papano noong pinagtapat ko sa mama ko months ago na ayoko sa relihiyon namin. naiyak ako, siyempre, sinabi ko na pakiramdam ko, ang buong buhay ko ay setup, na lahat na lang ay naka-pattern. sinasabi nila, pag-aalaga naman sa akin iyon, pero hindi e…ano ba ang magagawa ko kung wala na akong paniniwala sa diyos at relihiyon or whatever? kasalanan ko ba yun? ano bang problema nila? masama bang magkaron ng sariling paniniwala? masama bang magkaroon ng sariling pag-iisip? sino ba ang sino para sabihin kung ano ang nakabubuti para sa isang tao? kung ano ang makakabuti sa self-esteem niya? kung ano ang dapat na gupit ng buhok niya? kung anong mga damitang isusuot niya? kung kelan siya dapat malibugan? at kung kanino siya dapat malibugan? kung pwede bang masaktan, magtamo ng sugat, ng peklat at harapin ang bawat araw kasama ang peklat na iyon? sino ang may karapatang magsabi? sino?
sasabihin nilang ayaw nila akong magkamali ng landas sa buhay. pero naiisip ba nila na sila ang nagtutulak sa akin sa masamang landas? hindi lang nila napapansin. kung hindi badtrip ang mga kasama ko sa bahay, uuwi ba ako ng hatinggabi? maghahanap ba ako ng ibang kasama sa buhay? e pano kung iuwi nila ako sa bundok, para kami-kami na lang ang magtititigan buong araw? HINDI PWEDE IYON. ano ang silbing nabuhay pa ako kung ikukulong lang nila ako?
sabi ko nga dati, sana, naging bobo na lang ako, walang sariling pag-iisip, para sumusunod na lang sa lahat ng sasabihin nila. ang hirap ng may sariling persepsyon at pang-unawa sa mundo. yung tipong makakapag-isip ka sa sarili mo na ayaw mo na, na gusto mo namang maglakad sa sarili mong mga paa. na may sarili kang gusto sa buhay, labag man sa kalooban nila o sa kaisipan ng popular na madla. mahirap ipanindigan ang sariling paninindigan. hindi maaalis ang lumaban.
o magrebelde, sabi nga ng iba.
Sometimes i can feel your pain… Well kinda… Yung feeling na lahat na ginagawa mo sakanila lahat ng achievements kinukuha mo na pero wala pa rin… Ikaw pa itong masama… Hay…