Posted on

DISCLAIMER

Hi, magandang gabi. Wala talaga sana akong balak mag-post kasi masakit ang ulo at mga mata. Eh kaso dahil sa tawag ng ESP, naisipan kong gumawa ng DISCLAIMER, for the sake of intellectually challenged people na ang kitid kitid ng pang-unawa, pero di malipad uwak ang pagka-epal at self-importance.

1. Kapag nagsusulat po ako ng literary work (mga tula at maikling kwento), FORMALIST po ang gawin nating reading. Siguro naman maaasahan kong may “intellect” kayo para intindihin ang ibig sabihin ng Formalism (in literature). Baka kasi mamaya, iniisip niyong BITTER ako dahil nagsulat ako ng tula na ang tema ay pagka-bitter sa Valentine’s Day o “Valentine’s Date”. O kaya naman, tigang na tigang na ako kaya tigang ang mga characters ko sa KF. My gad. Para lang po sa kaalaman ng madla, MAY SCHEDULED VALENTINE’S DATE PO AKO NOONG ARAW NA SINULAT KO ANG TULANG AMPALAYA, at nagsusukat na ako ng damit na isusuot at mamimili na ng flavor ng condom na gagamitin namin. Kaso, dahil matrabaho raw sa Engineering ng La Salle, kahit University Week nila, hindi na-sigurado ni date na matutuloy kami. Eh alam naman nating maarte ako, so sabi ko ayokong by chance lang. So I cancelled the date. Pero FYI, malayo po ako sa “bitter” or “tigang”. Wala po akong iniiyakang lalake, o may anumang panghihinayang na nararamdaman. 100% na buo ang kaligayahan ko sa ngayon.

2. Wala po akong persons (living or dead) na tinutukoy sa mga literary work (kabilang ang mga short, fictitious intro). Kahit po sa mga Kwentong Fubu at Gwapo Rhymes With Gago, walang partikular na tao o mga gawaing ginawa ko kasama ang isang tao ang nagsilbing basehan ng mga kwento. My gad. I’m not as experienced as you think, but i’m indeed learned about it. Kung may mga nag-iisip man sa inyo na LASPAG ako, hahampasin ko kayo ng bangus sa pagmumukha. MGA DALIRI KO ang NAGTIYAGA at NAGTITIYAGA, para ang bukas ay wala nang aray. Wala pa po akong NAPAKINABANGAN na titi sa mundong ito. Wala pa po akong nahahanap na KAPAKI-PAKINABANG na titi sa mundong ito.

3. Alam ko, naka silk na panty ako sa gravatar. Baka mamaya akala niyo nilalangaw ang blog ko, o kaya may inaakit akong partikular na tao sa inyong readers kaya ginawa kong ganyan ang gravatar ko. Hoy, FYI, nilagay ko lang yan para kahit papano, FAIR naman ako sa inyong lahat na todo effort umalala sa LM. Hindi ko na nga kayo mabigyan ng mga nude pictures na binibigay ko sa mga ka-chat ko, e sana naman, kahit yang pinaka-harmless na picture ko na lang ang ibabahagi ko. Aware din ako na may mga nagjakol na sa picture na yan, at FLATTERY iyon para sa akin. MALIWANAG? Hindi ko ikinahihiya ang katawan ko, hindi ko ikinahihiya na binubuhay ko ang dugo ng humanidad. Hindi ko ikinahihiya na LIBERATED ako.

4. Inuulit ko, hindi ako bitter. May 100 friend requests po ako na na-accumulate in less than one week. International yan. At kung gusto ko mang rumampa at mag-disco, napakadali lang. Kakaway lang ako, lalapit na ang mga hayok na hayok sakin.

5. Hindi po ako prostitute. Hindi ako nagpapabayad. Hindi ako tumatanggap ng pera. Hindi ako pumapatol sa lahat ng may gustong ikama ako. Hindi ako nagbibigay ng number ko. For me, exchanging numbers is business.

6. MASAYANG MASAYA po ako sa kalagayan ng buhay ko ngayon. Nasa akin ang lahat ng kailangan at gusto ko. WALA AKONG NAMIMISS na kahit ano o sino. I’m emotionally independent.

7. Hindi po ako naniniwala sa pag-ibig na may halong melodrama. (pwede ba?!) Ang pag-ibig ay ang after-sex cuddling. Yan talaga yan. Kung anumang panibugho ang narasanasan ko noong 14, kasalanan iyon ng prospective date kong ang bilis bilis magdesisyon, pero di naman 100% sure. Muli, ayoko na nga sa mga pangako, di ba? Mas gusto ko na ung malinaw na “maglolokohan” tayo, kesa yung kunwari, hindi ka mambabae o hindi ako manlalandi ng ibang tao.

8. Nagsusulat ako na blind audience ang addressee, unless otherwise stated. Hindi po ako nagsusulat para basahin ng isang tao lang. Okay?! As a matter of fact, hindi ako nagsusulat para sa tao. Nagsusulat ako partly for entertainment’s sake. Basta. Buhay pa ang LM dahil naniniwala akong magiging literary artifact ito balang araw. Haha. Half-serious.

###
hayan. so far, iyan na ang disclaimer. in the near future, ayoko na sanang magkaroon pa ng vibrations na pinag-iisipan ninyong bitter ako at hopeless dahil hard-to-want.

“I won’t reconsider my standards,
I won’t step out of my vanity,
I won’t let go of my conceit and my pride,
if just to allow
me to be human enough
and to fall in love with a deficient, insipid, banal being like you.”

– LM

About miatot

three words: kalog, bastos, emo, makulit. motto: spill your heart on the party table. hobby: procrastination

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s