
hanggang kailan ba kikimkimin
ang pag-iisa?
ang malalamig
na gabing nakagapos
sa lungkot
pighati
pagdurusa?
kailan ba muling
nanaisin
ang ngumiti at magpangiti
mangarap (nang seryoso)
hawak kamay
walang
alinlangan
sa ating nararamdaman?
lapit na valentine’s oh. i miss being in a loving relationship.
magpapakatino na ako, magpapakabait, magpapakaresponsableng gf.
magbabago na ako.
hindi na ako manloloko
at magpapakatamad magtext.
hindi ko na pipiliting maging perpekto
ang jowa ko.
hindi na ako mang-aaway kahit walang dahilan.
dadamayan ko na ang jowa ko
kapag may problema siya.
hindi na ako magpapaka-arte.
higit sa lahat,
matututo na akong
MAGTIWALA.