dahil sa mga nangyayari sa buhay ko (pagkapariwara at walang kasawaang falling in and falling out of love) naisipan ko ang mga sumusunod na resolusyon para sa ikabubuti ng buong mamamayan:
1. Wala nang kamanyakan. Dahil alam naman nating “last resort to happiness” ko ang sex, at hindi naman talaga ako manyak at heart, hindi na muna ako pornstar image. Isa pa, ang expression ko ng kasawaan sa bagay na ito ang dahilan kaya napansin ako ng love interest ko ngayon. Sex naman palagi ang sumisira sa buhay ko, bagaman oo, kapalit ay mababaw na kaligayahan, tigil na muna sa masyadong kaputaan sa blog na ito.
2. Try to be less vulgar. Hindi ko nga alam kung pa’no gagawin ito dahil trademark na ng identity ko ang vulgarity, pati ang sexual overtones. Magpapaka Baa Baa Black Sheep na lang ako siguro. Hindi na rin ako masyadong magpapakalalake. Haha.
3. Hindi na masyadong mag-iinarte. Panira yan e.
4. Magpapaka-positive naman sa buhay. Inaamin kong ako ang pinaka suspicious at dubious na taong maaari niyong makilala, pero gaya nga ng sabi ko, magtitiwala na ako. Ibig sabihin, sasakay na ako sa roller coaster kahit walang seatbelt at magi-sky dive nang walang parachute.
5. Mas igagalang at irerespeto ang sarili. Pa’no ako igagalang at irerespeto ng iba kung mismong sarili ko ay binabastos ko?
6. Enjoy life. Enjoy love. Enjoy friendship. Enjoy poetry.
~ yan na lang muna. Pero hindi pa rin mababago ang pagka-rebelde ko unforgiving. Babawasan ko lang ang ka-bitchesahan ko at kasamaan. Pero ako pa rin ‘to.
the best things in life…are happening to me. C:

