Posted on

PAANO KUNG PANGIT PANGET ANG JOWA KO, AT ANG SOULMATE KO? ANO ANG KARAPATAN NG MGA PANGET SA MUNDO?

Hi guys. Hayan, sinulat ko na ang pinangako kong post. Hindi naman talaga ako nagpapako ng lahat ng pangako e. Gusto ko namang tumutupad pa rin ako, kahit madalas, naglolokohan lang talaga tayo.

At bitin nga ang post sa baba. May mga patawa pa sana yan e. E kasi naman naka Opera Mini lang ako e! Haha! So para lang akong nagtetext sa inyo ngayon. Tska may character limit po akong 5k. Putanginang finger dexterity lang ‘to, ano?

Isa pa, pagod na rin ako. 8 pm kaninang sinimulan kong upuan ang chapter 5 of 10 ng aking novelette, tapos 11 na ngayon. Whew. Pero masaya naman guys, masaya naman. Mahal ko naman ang trabaho ko, keri lang. Pero malinaw naman ang alamat di ba?

Sana basahin niyo muna ang alamat ko, bago ko ianalyze for you. Kasi alam naman nating hanggang dictionary meaning lang kayo e! Haha! Joke lang. Kayo naman. Huwag na kayong mahiya sa katotohanan.

***
Pinagdikit ko riyan ang konsepto ng pag-ibig at physical appearance. Nalilimitahan ba ng physical appearance ang pag-ibig, o pinalalawak nito?

Nasa sitwasyon, at sa concerned na mga tao.

PANGET SA PANGET
Pag-ibig ang dahilan kaya hindi nauubos ang mga panget sa mundo. Siguro dahil sa sila-sila na lang ang nagkakasama, sila-sila na lang ang nagkakaintindihan (sa dinaranas ng kapwa panget), so sila-sila na lang din.
Pero inaamin ko, nahihiwagaan pa rin ako sa tuwing nakakakita ng mga pangit na couples. Ang kyut lang e. Ang sweet nilang tignan. Wala lang. Alam nila kasi ang level nila. Hindi sila mga delusyonal na feeling high class ang model. Di gaya ko minsan. Haha. Pero yung tipong for ugly and for ugly kayo, till death do you part, ibang klase yang mga yan, dre. Hindi yan tinatawanan. Kinakaawaan yan, dudes.

PANGET SA MAGANDA
Isa pang dahilan kaya dumarami ang mga panget sa mundo ay dahil sa kaplastikan nating, “what’s inside the person matters the most.” hay. Pwede ba. Sampalin ko kayo ngayon e. Ang alam ko naman eh, kaya may kumakapit pa sa mga pangit ay dahil mapapakinabangan pa rin naman sila, di ba. May mga butas at palawit pa rin yang mga yan. At doble pa mga effort pag pangit na nga. Eh may utang na agad yang mga yan sa’yo the moment na minahal mo sila. Kasi nga pangit na sila, diba? Kaya babawi na lang sa pagiging mabait, with the super effort. Super pa-sweet and pa-loyal. (Alangan!) Kung pangit ka na nga, bulok pa ugali mo, ano ka na lang di ba? Gusto mo bang ipa-massacre kita? Pero bilib pa rin ako sa mga panget na yan, with their super faith sa mga guwapo/magagandang jowa. Alam nilang wala silang karapatan na magreklamo pag pinagpalit o iniwanan. Ang obvious lang naman kasi ng dahilan, di ba? At ang reasonable pa. Ang pangit nga kasi nilaaa! Eeeesh!

MAGANDA SA MAGANDA
Gaya sa ugly couples, napapatanong sa rin ako sa beautiful couples: fuck, nagmamahalan ba talaga tong mga ‘to, o nangongolekta lang ng magagandang pictures? E kasi naman di ‘ba. Although oo, deserve naman nila ang isa’t-isa, kaso may hindi lang wagas sa kalagayan nila. Sisipagin ka pa bang silipin ang kaloob-looban ng isang tao kung solve ka na sa panlabas niya? Alanganin, di ba? At hindi strong yan, kasi alam mong marami pang sasalo sa-yo kung maghiwalay kayo. May hitsura ka eh. So hindi ka matatakot mawalan ng jowa right now. May mga nakapila pa eh. Subalit ang tanong, anong klase ka naman, dre?

Balik sa mga diwata…
Ano naman ngayon ang masasabi ninyo sa love story nina Kariktan at Kasuklaman? Sa tingin niyo ba, magiging mabuti kung maraming katulad ng Kariktan sa mundo?

Get your 1/4 sheet of paper, isulat ang sagot habang nakikinig sa “Humanap Ka Ng Panget” ni Andrew E. Ilista ang lahat ng mga naging crush mo at magtaka kung bakit maganda/guwapo silang lahat. Masarap bang magmahal ang pangit? Masarap bang magmahal ang maganda? Natikman niyo na ba ako? Sino may gusto?

Kung may pangit sa listahan, ilista ang dahilan kung bakit sila nagustuhan. Matagumpay bang naiparamdam ng mga guwapo/maganda mong hinangaan/minahal ang ipinaramdam ng isang panget?

Nasubukan mo na bang bumili ng pampaganda? Bakit conceited ka? May stranger na bang nagsabi sa-yong maganda/guwapo ka? Mas madalas ba iyon sa naranasan ko?

Magsindi ng kandila at humiling. Balik balikan ang mga isinagot sa tanong ko, at within five days, matatagpuan mo ang soulmate mo.

About miatot

three words: kalog, bastos, emo, makulit. motto: spill your heart on the party table. hobby: procrastination

3 Responses to PAANO KUNG PANGIT PANGET ANG JOWA KO, AT ANG SOULMATE KO? ANO ANG KARAPATAN NG MGA PANGET SA MUNDO?

  1. bhoops24 ⋅

    Hmm,, may nabasa ako na job opening sa mga writer eh… kaso puro about sports ata ang mga topic na isusulat.. try mo kaya dun para magtrabaho ka na.

    • miatot ⋅

      ARE YOU TRYING TO TELL ME THAT I SHOULD GET A LIFE? well, you don’t tell me what to do, pakyu. akala mo wala akong trabaho at hindi pa naging freelancer kahit kelan? PAKYU ULIT.
      at akala mo rin na your e-mail doesn’t ring a bell, ha “BHOOPS24″? STOP READING MY BLOG.

  2. basherx ⋅

    medyo harsh itong topic na to, although it makes sense, pero mahirap magmahal ng taong di ka physically attracted.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s