barya lang po (kahit hapon)

Dahil minsan, walang papantay sa ligaya dulot ng…

Kaninang tanghali, habang naglalakad patungong Vanguard, bumuhos ang manipis na ambon. Timing, wala akong payong.

Tumigil muna ako sa waiting shade, hanggang sa pagtila ng ulan. After some minutes of pagmumuni-muni at disdain sa mag-jowang sa ilalim ng puno nagde-date, lakad na ulit ako.

Sa pagpapatuloy, nag-text ako sa mama ko, para sa kapatid ko na second year highschool, mga apat na taon ang tanda ko sa kanya. Ma, sabihin mo kay Mike mag-aral nang mabuti, para hintayin ko siya dito, maging magkaklase kami. 40% ng grade sa UPCAT ay highschool grades, ka mo.

Lakad pa rin. Noong papasok na ako ng Vanguard, sinalubong ako ng dalawang batang babae na kay rumi rumi ng balat, pilas ang damit, at may hinihilang sako ng plastic bottles. Fairies in disguise sila, fyi.

“Kaunting barya naman po!”

Natigilan ako sa paglalakad, bagaman hindi nila ako hinarang. Casual lang, mas casual pa sa “hi miss!” ng mga papansing tambay, pero matunog yung sa kanila. May kakaibang huni sa tainga ko…hindi huni ng pagkahiya o huni ng pag-asa. Huni iyong ng pagkabagot sa buhay at masalimuot na pagmamakaawa. Malamang sa malamang, maraming beses na silang nanghingi sa mga makakasalubong (kaya drained na ang lahat ng hiya sa katawan nila) at maraming beses na silang hindi pinansin at pinakinggan (kaya wala nang huni ng pag-asa, or whatever, pero polished na).

So, dahil nasa mood naman ako, at bright days mode ako ngayon, binuksan ko ang zipper ng black messenger bag ko at hinalukay ang coin purse. Sinara ko ulit at binuksan ang iba pang zipper. Wala akong sensory memory eh. (Trivia.)

Nakatingala lang sila sa’kin, casual pa rin ang hitsura. Not thrilled, not excited, a bit curious.

“Taga sa’n kayo?” tanong ko.

Di agad sila nakasagot (nagtinginan muna). Inisip ko na lang na malamang, hindi naman sila kasama sa sindikato ng mga “Badjao ng Cainta” (which I’m dying to write a story about) kaya oks lang ‘to. Oks lang. Resident daw sila sa di-kalayuang residential area (ako na ang mahina sa names) at tunog legit naman ang sagot nila.

Pero pagsilip ko sa mga barya, biglang bumalikwas ang isip ko. Tangs, mamamasahe pa ako sa ikot. Ba’t ba ko pa-entertain sa mga ‘to? “Tsk. Wala na pala akong barya.” Sinimangutan ko sila, nagkasimangutan kami. Hindi kami umaalis sa pwesto hanggang isinara ko na ang zipper ng wallet ko, at humila uli ng pangalawang zipper.

Para lang akong live show habang nagzi-zipper ng wallet, pinapanood nila.

“Ayan.”Inabutan ko ng sila ng papel na bente, “Tig-dies kayo,” ‘kako, sabay ngiti sa kanila. Pakyut lang.

Nagpasalamat ang dalawa at naghiwa-hiwalay na kami. May konti namang brightness sa kanila, konti lang, pero naiintindihan ko naman nang lubos kung bakit walang brightness minsan (o madalas) kahit meron dapat. Pero sa pagpapatuloy ko ng aking paglakad, pakiramdam ko, i’m shining on the world. At props lang sila para ma-show ko that i’m shining! Ang gaang ng pakiramdam ko. Feel ko, ang yaman yaman ko, for it’s Christmas again.

Sabi ng imaginary boyfriend ko, Galante, hah! Yan ang laging unli! Tinulak ko tuloy. Pweh.

Ah, bukod sa unnecessarily emotional and dramatic na pakikipagrelasyon, ano nga ba naman ang pinaka-sweet na korneyng naimbento ng tao?

Pagbibigayan.

KWENTONG FUBU 4 | kwentong sex, buddies, paglalayas, at ambon

Bilang paunang salita, nais ko lang iparating na ang lahat ng maikling kwento na sinusulat ko ay para lang sa LM, at sa LM lang. marami pong salamat.
________
Nagising ako ng pasado ala-una, dahil sa lakas ng ulan. Walang patawad ang ingay ng mga patak na tinatambol ang yerong bubungan — daig pa ang pagtatalik ng dalawang tigang na pusa. Lecheng panahon, ang galing lang makisama. Sabayan pa ng malamig na sipol ng hangin, humihihip mula sa sirang bintana…parang gusto ko nang umuwi sa amin, kung hindi pa ba sariwa ang sampal sa pisngi ko. Masyado pang maaga para bumalik. Itutulog ko na lang ito. Sa ngayon, mamamaluktot muna sa bitin na kumot, tiisin ang pagpapak ng mga lamok. Tigasan pa, konting tiis lang. Walang sasalo sa akin kundi sarili ko lang.

Biglang nag-ring ang cellphone sa ilalim ng unan. Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa ganitong oras ng gabi? Kunot-noo kong kinapa sa ilalim ng unan ang nagvi-vibrate na telepono, at nasilaw pagbabasa ng caller id.

Jasmine.

Jasmine, Jasmine, paulit-ulit sa isipan ko. Siya na ang huli kong aasahan na tatawag sa teleponong `to. Alam na ba niyang nandito ako?

“Pikoy…” umiiyak ang boses sa kabilang linya. Nang narinig ko ang pagsinghot niya ng sipon at putol-putol na boses, bigla kong nakalimutan ang nangyayari sa paligid ko.

“Jasmine? Umiiyak ka? Bakit, ano nangyari?”

“Pikoy…wala na kami ni Gerald.”

Halos mabitawan ko ang cellphone. “Ano? Bakit? Teka — nasa’n ka ba ngayon?”

“D-dito samin, kila Marsha, pero wala sila. Pwede ba tayong m-magkita ngayon, nasaan ka ba?”

Inalala ko sa isipan ang address nitong bulok na apartment, pero mas mahaba nanamang istorya kung si Jasmine ang magtatanong. “Pupuntahan na lang kita, Jasmine. Hintayin mo `ko.”

Halos magkalampagan ang mga dingding sa aking pagkilos. Pagkalabas, kumuha agad ako ng taxi at binulalas ang address nin Marsha. Mga kinse minutos lang siguro ang tatakbuhin ng taxi na ito. Habang nakasakay, hindi ko maiwasang alalahanin si Jasmine. Matagal na kaming hindi nagkikita, may isang taon na rin, simula nang naging sila ni Gerald. Akala ko dati, may balak na silang magpakasal. Nakakagulat ang balita.

Malabo na sa ala-ala ko ang kalye ng bahay nina Marsha. Bukod sa mga buwan na rin simula nang huli akong makatuntong sa bahay, tuwing gabi lang naman ako bumibisita sa bahay nila.

Tuwing nakapaligo na si Jasmine at matutulog na, dagdag ng isipan ko. Napangisi ako saglit pero iwinaksi ko rin. Matagal na iyon, at masyadong magulo ang mga buhay-buhay namin ngayon para balikan pa ang mga masasayang araw. May problema ngayon si Jasmine, at may problema ako.

Tumigil ang taxi sa tapat ng gate. Inabutan ko ng 150 ang driver. Nabasa ako ng ulan pagtakbo sa gate. Walang ilaw sa labas ng bahay, pero naaninag ko si Jasmine, nakaupo sa gilid ng pinto, umiiyak, yakap ang mapuputing binti na nagliliwanag sa dilim.

“Jasmine,”

Kung hindi lang dahil sa ulan, dahan-dahan ko siyang lalapitan. Pero napatakbo ako papunta sa tabi niya, alang-alang sa ulan.

“Jasmine, Mababasa tayo ng ulan dito sa labas,”

“Pikoy, huhu…” ikinawit niya ang mga braso sa aking leeg at isinubsob ang mukha sa aking dibdib. Ang mga hikbi na kanina’y sa telepono lang naririnig, direkta na ngayon sa aking pandinig.

“Shh, tahan na, okay lang `yan.” Habang yakap si Jasmine, nalilito ako sa dapat pakiramdaman — simpatya ba o ang halimuyak ng mabango niyang buhok? Ang bahagyang paninibago dulot ng haba panahon ng nagkalayo? Pinunasan ko ang mga pisngi ni Jasmine, ngunit itinakip niya ang mga palad sa mga namamagang mata.

“Pasensya na kung naabala kita, Pikoy, kelangan ko lang talaga ng…” nagbadya nanaman ang hagulgol.

Ginagap ko ang malalambot niyang palapulsuhan. “Relax ka muna, okay? Pag-usapan natin `yan sa harap ng kape.”

Halos walang nagbago kay Jasmine, maliban sa haba ng buhok. Makinis pa rin ang balat, kulang pa rin sa tangkad, maputla pa rin ang mukha. Lampas balikat na ngayon ang manipis at tuwid niyang buhok. Dati, kahit anong saway kong tigilan na ang pagpapatabas ng buhok sa parlor, `di paawat si Jasmine. Pero dahil “gusto” raw ni Gerald ang mahabang buhok, hinayaan na lang niya ngayon.

“Pikoy, anong sinabi mong paalam sa inyo? Buti pinayagan ka.”

Heto na. “Ah, wala ako ngayon samin.”

“Bakit? Sa’n ka ngayon?”

Nag-layas, nanunuluyan sa iskwater na apartment. “Day-off muna ako sa pagiging ‘Piccolo’. Ako na muna si Pikoy,” ngumiti ako ng maluwang sa kaniya. “Saka na natin pag-usapan. Ikaw muna magkwento.” humigop ako ng kape at tumitig sa mga bilog na mata niya, nagseseryoso.

“Well,” tiningnan ni Jasmine ang nangangalahating baso ng kape sa kandungan, bumuntong-hininga, “wala na kami.”

“Bakit naman?” pinilit kong magpaka-Boy Abunda, kahit sumisigaw sa kaibuturan ko si Vice Ganda.

Ngumiti siya nang malungkot sa akin, umiling, “He found another one.”

Napahigpit ang hawak ko sa tasa. Ito ang mga tipo ng sagot na hindi na pwedeng i-follow up, out of courtesy. Madaling intindihin kung bakit nagpapalit ng babae ang lalake. Dalawang dahilan lang `yan. Kulang ang babae, o wala lang talagang modo ang lalake para rumespeto. Malamang sa malamang, hindi naman si Gerald ang iniiyakan ni Jasmine, kundi ang dahilan kung bakit ito nang-iwan. Sa lahat ng relasyon ni Jasmine, ngayon lang siya kinaliwa.

Kung nasa harap ko lang ang Gerald na iyon, nakatikim na siya.

“Ikaw naman ang mag-kwento kung bakit wala ka sa inyo…Daddy mo ba?”

Napabuntong-hininga ako. Si Jasmine nga lang pala ang napagsasabihan ko ng mga problema tungkol doon. “Siya lang naman ang nagiging problema ko, `di ba?”

“Hindi mo pa rin ba balak manahin ang business niyo?”

“Wala, wala pa rin.”

Dinaanan kami ng katahimikan. Malamang, napagtanto ni Jasmine na wala pa ring nagbabago sa sitwasyon, lalo na sa side ko. Walang idinulot ang paglayo niya sa akin.

“I think we need to grow up now, Pikoy. And suddenly, here’s the perfect guy for me, offering that chance. Ano sa tingin mo?”

“Subukan mo naman, Pikoy.”

“Subukang ano?”

“Ang magseryoso sa buhay mo.”

“Hindi ako sumasaya sa pagseseryoso, alam mo `yan.”

“Sinubukan mo na ba?”

“Hindi ko na kelangang subukan.”

“Bakit?”

“Nasubukan mo na, eh. Ano namang nangyari?”

Gumuhit ang linya ng pagka-insulto sa mga kilay ni Jasmine. Itinikom niya ang mga labi, tumungo at nilingon ang sahig. Itinaas niya ang mga binti sa sofa at niyakap ang mga iyon.

Nakabibinging katahimikan. Bihirang hindi sasagot si Jasmine. At kung walang salita, tiyak na kilos ang hinihintay niya. Nakaramdam ako ng hudyat sa pagkabog ng aking dibdib.

Lumipat ako sa kaniyang tabi. Bahala na, kung sa’n to pupunta. Naramdaman ko namang iyon rin ang hinihintay niya, dahil hindi siya umusog ng pagkakaupo nang lumapit ako. Bagkus, hinayaan lang niyang maisiksik ko ang aking binti sa gilid ng kaniyang makinis na hita.

“Masakit.”

Parang kahit ako ay nakaramdam ng bahagyang sakit. Sa mga mata ni Jasmine, kitang-kita na mahal niya ang lalaki, at higit iyon sa anumang konsiderasyon na ibinigay niya sa akin. May kaunting pait sa akin ang katotohanan. Namuo ang mga butil ng luha sa gilid ng kaniyang mata. Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya, sasaluhin ang kung anumang luha na nagbabadyang pumasada. Tahimik din niyang pinagmasdan ang aking mga mata, sinasalamin ang sarili niya, malamang, hanggang sa kusa nang nagbalik sa aking ala-ala ang kayraming beses na kami’y nagsama, nagtalik. Madalas kong hinahaplos nang ganito ang pisngi niya, bago ang mga braso, bago ang buo niyang katawan.

Ngunit matagal na panahon na iyon, galing pa sa isang nakaraang pinagdesisyunan naming iwan. Subalit sa sandaling ito, parang nalulunod ako pabalik sa nakaraan, pabalik sa init na aming pinagsamahan.

Dahan-dahan, lumapit ang mga labi ko sa mga labi ni Jasmine. Hindi siya gumagalaw, naghihintay lamang ng susunod kong gagawin. Bilang panimula, pinaghinang ko nang magaang ang aming mga labi, animo’y hinahalikan ko ang isang rosas. Maya-maya, naramdaman kong iniawang ni Jasmine ang mga labi, nagbibigay daan para magtagpo ang aming dila.

Sa una, mangingilala muna sa isa’t-isa. May halo pa ng hiwaga, na susundan ng pangungulila. Maaalala ko kung gaano kahabang panahon na ba ang lumipas simula nang inangkin ang dila ko ang buong bibig niya, ang matamis niyang dila, ang mga labi niya ngayong buo ang pagpapaubaya sa akin.

At hindi na napigilan ni Jasmine ang init na namumuo sa kaniyang katawan, sa aming mga katawan. Napasinghap siya at inabot ang laylayan ng suot kong polo shirt, saka itinaas iyon. Dumantay ang maliit na daliri niya sa nag-iinit kong balat. Pagkahagis niyon sa sahig, siya naman ang naghubad ng sleeveless shirt. Yumakap siya sa akin at humalik, hinila palapit ang aking katawan upang magbigay daan sa paghihinang ng mainit kong balat sa makinis niyang balat.

Naglakbay ang malalambot na palad ni Jasmine sa aking likuran, habang ang mga daliri ko nama’y naglalaro sa kaniyang dibdib. Sa pagitan ng mga daliri ko, iniipit ko ang naninigas niyang mga utong, dahilan upang mapasinghap siya at lalong idiin ang katawan sa akin. Unti-unti namang gumapang ang aking halik patungo sa kaniyang leeg, sa dibdib, hanggang sa dila ko naman ang nagpaungol sa kaniya.

“Shit, Pikoy, ahh,”

Habang ang isang palad ko ay nasa kabilang dibdib niya, ang isa ay nilalakbay ang kaniyang bewang at balakang. Ninanamnam ko ang lambot ng kaniyang balat. Habang hinahaplos ko iyon, panay ang paggalaw ng balakang ni Jasmine, hindi na mahintay ang pagdaop ng mga palad ko sa –

Bahagya akong nagitla nang siya na mismo ang nag-abot sa isa sa mga palad ko, at ipinasok iyon sa loob ng kaniyang natitirang saplot. Lumabas ang malakas na ungol sa kaniyang bibig, nang natagpuan ko ang perlas niya. Kinuhit ng mga daliri ko ang namamasa niyang lagusan. Nang ipinasok ko ang isang daliri, lalo siyang napaigtad mula sa pagkakaluhod sa sofa, at halos dakutin na ang mga kalamnan sa balikat ko.

Naglabas-masok ang isa kong daliri sa lagusan niya, pabilis nang pabilis habang ang mga labi ko’y nasa korona ng kaniyang dibdiba. Malalim at mabilis na ang paghinga ni Jasmine. Sa kalagitnaan ng pagpapaligaya ko sa kaniya, itinulak niya ako at ihiniga sa sofa, habang walang anu-ano’y binuksan ang zipper ng aking pantalon, hinila iyon at hinubad, saka niya inilabas ang aking cheberlu.

Hindi na ako binigyan ni Jasmine ng panahon para ihanda ang sarili — agad niyang dinilaan iyon at isinubo, samantalang napatirik ang mga mata ko sa ulunan ng sofa. Putangina, napakainit sa loob ng bibig ni Jasmine. Napakainit at napakasikip. Pabilis nang pabilis niyang inilabas masok ang laman ko, habang gamit ang dalawang kamay. Madalas niyang gawin sa akin ito ngunit nakababaliw pa rin sa bawat sandali. Napakapit ako sa sandalan ng sofa, ipinikit nang marahan ang mga mata at umungol nang malakas.

“Jasmine, Jasmine….”

Bago ako labasan, itinigil muna ni Jasmine ang ginagawa para ibaba ang natitirang saplot.

“I need you now, Pikoy. Please….”

Sinalo ko si Jasmine na parang isang bata na dumagan sa akin. Ang dalawang palad ko ay dinaop ang magkabilang dibdib niya, habang ang iginiya ng isang kamay niya ang aking tarugo ko papasok sa kaselanan niya…

“Aaah…”

Dahan-dahan, naipasok ni Jasmine ang kabuuan ko sa kweba niya. Kung gaano kasikip ang bibig ni Jasmine, ganoon din ang hiyas niya, na mas madulas at mas mainit pa.

Ibinaba niya ang mukha sa aking mukha, humalik sa akin at unti-unting gumalaw. Ang mga palad ko naman ay dinama ang kinis ng buong likuran niya, patungo sa kurba ng kaniyang porselanang laman.

Pabilis nang pabilis, naghalo ang aming mga hininga, ang mga pawis na noo. Bumulong si Jasmine sa akin.

“Pikoy…ahhh…ang sarap nito,”

“Sige lang, Jasmine…sige pa…”

“Tama ka nga, Pikoy, ahh…” nagpa-ikot ikot ang balakang ni Jasmine sa ibabaw ko.

“Mas maganda ang ganito…”

Napatingala si Jasmine habang marahang nakapikit ang mga mata, lalong binibilisan ang paggalaw, dinarama ang bawat sensasyong idinudulot ng kahabaan ng aking pagkalalaki. Pinagmasdan ko siya, nang buong paghanga sa luwalhati na nakapinta sa mukha niya.

“Hindi nga tayo…ahh…tatanda…”

Napangiti ako sa sinabi ni Jasmine, hinalikan ko ang leeg niya. “Ako naman sa itaas?”