Si Candy, may bagong sapatos.
Di patalo si Jun sa medyas at
sling bag na kulay rosas. Naluha
si Mang Karding nang nagsipilas
ng pula’t berdeng pambalot
at kaha ng Philip kanyang nasilayan.
“Pare, inuman na!” salamat
nagtawag si Boyet sa likod-bahay
menos dies bago alas otso.
Sabay balasa ni Aling Katya –
Kwadrado na, habang nilabasan
si Mae Mae sa bahay nina
Luis, na syota ni Marcus.
“Nandito sana si ate,” hiling
ni Candy. Si Jun naman,
“‘Di sana ‘ko saktan, pero
love ko pa rin si Tatay.”
###
wala lang. May mga naghahanap lang ng tula. E feel ko lang, bakit ba. Ayan, isampal niyo sa papaubos nang mga araw sa kalendaryo.
So nasa’n nga ang pagbabago? Ewan. Basta ang alam ko, hindi yan sinusulat. At lalong hindi pinopropesiya. Ang meron lang naman sa’tin, ‘yung eksenang nangangailangan ng pagbabago. ‘Yun lang. Huwag nang dagdagan ng kung anu-anong pangako. Gawin kung gawin! At sa tulang sinulat ko, ang esensya ng pagbabago ay kapag na-realize niyong may kailangang baguhin. Wala akong binabanggit na pagbabago, pero bilang mambabasa, kayo na ang mag-iisip kung ano ba ang dapat nilang baguhin. At pag nag-isip kayo ng gano’n, dun na lilitaw ang halaga ng tula.
Wala lang. Sabi ko lang ‘yan.