pag mahal mo ang isang tao, hindi mahalaga ang distansya.
pag mahal mo ang isang tao, keri lang kahit mapagkait sa inyo ang tadhana.
pag mahal mo ang isang tao, kahit anong sama ng loob ang abutin mo dahil sa taong yun, magkakaron pa rin ng umaga (o tanghali) na gigising ka at masasabi mo sa sarili na mahal mo siya.
ang pagmamahal sa isang tao ay hindi desisyon…basta mahal mo na lang siya.
pag mahal mo ang isang tao, kahit tumingin ka sa iba, wala kang makikita.
pag mahal mo ang isang tao, hindi ka makakapagtanim ng galit.
pag mahal mo ang isang tao, kahit ilang beses sabihin ng cerebrum mo na kakalimutan mo na siya, mas nakakaalam pa rin ang iyong medulla oblongata.
pag mahal mo ang isang tao, kahit ga’no karaming froglets ang pumagitna sa inyo, mahal mo pa rin.
pag mahal mo ang isang tao, siya lang, at siya na lang talaga ang tanging makakapagpasaya sa’yo nang wagas.
alam ko ang korni, pero mas korni naman yung ambigram ko ng neym natin. haha! salamat dahil kahit papano dumating ka sa buhay ko at binigyan mo ako ng wagas na karanasan…siyempre hindi pa ako kuntento dito. gagapangin pa kita balang araw. creepy pero haha! mahal kita. halata naman. nagli-lie low lang ako minsan kasi ayoko lang na baka naiirita na kita or nasasakal bcos of me…i want you to be happy, at siyempre ikaw lang nakakaalam kung saan ka liligaya di ba…
eniwey. kuha ko pa rin yung pakiramdam noong nasabi ko sa sarili ko na napakaswerte ko at nasa buhay ko ikaw… okay lang kahit hindi man ako ganun kahalaga sa buhay mo, pero mas okay kung may super significance din ako para sa’yo. haha. ayun. di ko na papahabain. mahal kita, reyzeljan.
Tama (?) Hakhak.
ganyan ang nagmamahal..;-)