action-packed na intro:
“Ayan na! Malapit na!”
“Ahh! Huwag dito sa loob! Sa labas mo iputok yaaan!”
“Pero..Siyeeeeet! puputok naaaa –”
“Ah! Bilisan mo pa! Bileeeees!”
Takbo palabas ng gate. Hawak ang sinindihang piccolo, ikiniskis sa puwit ng kahon. May kislap sa dulo nitong sumisigaw, “Pakawalan mo na’ko, baby.” Takbo, bilis, takbo. Ibato mo kahit saan na mahulog — kahit sa kanal, sa pader na iniihian ng mga aso, sa paso, sa punso ng nuno. Pakiramdaman ang tuwa, takot, at kaba ng perstaym. Balik sa home base, kung saan ang tropa’y nagtatawanan. (Humahalakhak sa pagka-badap mo, muntik ka nang nadapa dahil kumekendeng habang tumatakbo.) Wapakels lang. Idiin ang mga namumutlang palad sa magkabilang tainga.
Idiin mo pa, baby, isiksik mo. Ipikit ang mga mata at namnamin lang…ahh.
Nakangiti ka. Sa wakas, gigimbalin mo na ang tropa sa lakas ng putok mo. Lalake ka, men! Real men know how to demo a glorious putok!
Ididiin mo pa. Nangangalay na ang pisngi mo sa pag-ngiti habang nakapikit, tapos maiisipan mong luwagan ang pagkakadiin –
“Siyet naman, bading ka talaga! Kahit piccolo, hindi mapaputok! Bwaahahha!”
Tawanan ang tropa. Mga taklesang walanghiya. Mamumula ang mga pisngi mo, habang dibdib mo’y taas-baba. Umuusok ang mga butas ng ilong. I-rerecall mo ang script na ala Vilma Santos. Hypocrites!
Isigaw mo at the top of your lungs: “Akala niyo lang walang putok ‘yon, pero meron, meron!”
Tatawanan ka pa rin nila.
“Sige nga! Di ka kasi marunong sumindi! Kahit piccolo hindi ma turn-on sa’yo! Bwahahaha!”
Parang punlong humihiwa sa bawat pulgada ng iyong kutis sibuyas. Gusto mo nang umiyak. Alam mong isa kang baklang pangit. Sa sobrang pangit, ang writer ng kwento ay hindi makaisip ng superlative phrase. Pero hindi ka baklang duwag. Dadamputin mo ang kandila sa mesa katabi ng mga basong may gin. Hindi ka duwag.
Tatawagin ka nila pabalik.
“Hooyyyy!!!”
Magdadabog ka pabalik sa kung saan mo ihinagis ang piccolo. Iyon ma’y tungo sa kadiliman, sa karimlan, sa kapanghian. Babalikan mo ang puntod ng ‘yong dignidad. Yuyuko’t, pupulutin –
“JOLIINNNNAAAAAA!”
Magwawakas sa isang nakasisilaw na liwanag, lundag ng pulso, nakabibinging halakhak ng mga lamanlupa, sa kanang mata mong binutas ng marahas na pulbura.
Pumutok, at sapol.
(Kaka-practice, masyadong napatuwad.)
_the end
#####
boring na main content:
guys!! new year na! wala lang! bongga lang naman ng intro.
musta putukan ninyo?
Kumakain ako ng home-made nachos habang sinusulat yan. Medyo maingay na sa paligid namin dito sa Angono. Nakakarinig na ako ng mga pumuputok na paputok. Well, kakaiba ang putukan na ito sa mga nakaraang taon. E pa’no, nagkani-kaniya na ang aming angkan (kahit ba oo, nasa iisang bayan lang kami). So kami-kami lang ng mga lola ko, si manang, si inday at ang pinsan ko. Umuwi na sa lambak ang mga magulang at mga kapatid ko.
Dati, sa rooftop kami nagpa-party at nanunuod ng fireworks at nagpapaputok. E kaso habang tumagal, humina na ang family ties. So sa terrace na lang ako magluluces mamaya. Pero ang pinanghihinayangan ko sa lahat, sayang, makaka-puslit sana ako ng kahit mga isang basong gin! Aaaargh!
So kumpleto ba naman ang new year ninyo? Putsa, ako hindi. Nae-emo pa rin ako.
Sa puso ko’y nag-iisa
kahit merong iba
kahit hindi tama ang ginagawa,
sinta…
basta ba makasama mapatawa lang kita
kahit kapiling mo pa siya.
Ang sakit nga. Parang nilalagare ang aking dibdib, pero kinekeri ko na lang. Parang hindi lang ako humahagulgol noong gabi ng Pasko.
Alam niyo yung tipong matutulala ka na lang, tapos papasukin ng kung anu-anong ideya ang isipan mo, parang nalalason…makamandag na lason ang ideyang magkahawak-kamay sila, masaya, nagtatawanan, nagyayakapan, nagtutukaan, nakatingala sa kalangitan habang nanununod ng fireworks at sinasalubong ang bagong taon, magkahawak-kamay ngayon at magpakailanman…
Tapos ikaw, mag-isa, nanunuod ng porno, nakasimangot.
Pagkatapos ng New Year, Valentine’s na. Single Awareness Day na ulit. May red dress na ako. May zipper yun sa harap, wala lang.
Haha. Magpakasaya na lang tayo kahit puro talaga kabiguan ang taon na ito.
TOP 5 NA KABIGUAN KO THIS YEAR:
1. Nag-drop ako ng dalawang subject. In one sem. Yeah.
2. Ni-reject ako ng publication. Bakit daw? One-sided love daw ang sinusulat ko, wala nang itinitira sa sarili yung characters ko. In other words, kinukwento ko lang daw ang aking love life.
3. Nag /arm ako. Tapos nagkapeklat.
4. Siningko ako sa critical paper, nag-emo ako ng 1 full hour, sinara ko ang blog ko dahil sa kabad-tripan.
5. Nag-shift in at nag-shift out ako sa isang course after one sem only. Pangatlong course na ‘yon sa history ng aking Form5.
Pero naging masaya rin naman ako sa kalagitnaan ng taon. Naging masaya kahit papano, ngumiti kahit dumurugo talaga ang aking puso. Tumawa kasama ang ibang mga human beings. Halos hinika kakatawa.
Sana next year, masaya. Wala nang /arm episodes.
Maligayang putukaaaaan sa inyong lahat!