PAG SA LITERA MIA BINASA:
Gumising ako mula sa isang tulog na walang panaginip. Inihehele ang aking diwa, gumagalaw ang aking paligid. Nakasandal ako sa jeepney. Nakaupo patagilid. Sa kahabaan ng biyahe, inabot ng himbing. Ginising ng mapait na hangin. Nilingon ko ang paligid upang malaman kung sa’n na nakarating itong jeepney.
Sa railings, sa mismong gilid ko, may isang kamay.
Isang mataba at malambot na kamay. Malilinis ang kuko at bagong gupit. Ako’y nagdalawang isip kung kamay ba ito ng babae o kamay ng lalake. Kung babae, malamang tibo, dahil “nakaakbay” sa likod ko ang kaniyang braso. Kung lalake naman, edi lalake. Nangangalay lang ‘tong pasaherong ito. Ngunit napangiti akong bahagya. Matagal na rin akong walang jowa, braso na aakbay sa’kin tuwing sa jeepney sasakay.
Bumalikwas ako ng upo upang magbagong pwesto. Pagdiretso, binawi ni kuya ang pagkakaakbay ng kaniyang braso. Dumilat ako. Sa gilid ng paningin, nawari ko ang braso niyang balbon.
Nagbabawi na ako ng ulirat mula sa idlip. Gayunpaman, nananatiling maalinsangan ang paligid at ang hangin malagkit. Hindi maraming bagay ang dumaraan sa aking isip, kaya’t naisipan kong bawiin ang idlip. Maraming gabi na rin akong puyat. Dapat bumawi, kahit hindi naman lumalaki ang aking eyebags. (wala akong eyebags)
Sa nagdilim na paningin, agad tumalas ang aking pandinig, panlasa, pandama.
Masikip na ang jeepney bago pa’ko unang umidlip, kaya sa paggising, nanatiling nakasiksik sa aking katabi. Sa jeepney, dama ko ang mainit na hangin sa aking pisngi, at ang alikabok sa aking buhok. Ngunit noong mga segundo ng biyaheng iyon, nangingibabaw sa lahat, ang sensasyong dulot ng mga daliri ng aking katabi, na sa ilalim ng aking braso, sumasagi.
Hindi ako gumalaw, o nagmalisya’t lumipat sa bakanteng upuan sa harap; sumandal lang ako sa jeepney, pumikit at umidlip. Bagsak ang mga balikat na animo’y di masuportahan, ako’y nagpatangay sa mga lubak ng kalsada, ako’y nagpatulak papalapit, sa malalamig na daliring nagnanasa sa akin.
Palapulsuhan ko’y nakaipit sa pagitan ng aking mga tuhod, animo’y preso. At naramdaman ko, sa ilalim ng blusang itim, ang higit sa pagsagi, ang paghagod, at tahasang paggapang ng gagamba, pagbakas ng mga linyang mapanukso, ng malalamig na daliri ng katabing pasahero.
Sa ilalim ng aking braso, sumsingit, sa manipis na balat, kumikiliti. Sa gilid ng aking dibdib, dumadausdos, papaloob, sa kung hanggang sa’n makaaabot. Binabakat ang mga linya ng aking bra na animo’y nais paglahuin, hubarin, at itapon, sa gilid ng kamang hindi niya nais umahon. Nasusunog ako sa kung saan hindi sumisikat ang araw, ngunit sa kung saan naroroon, ang lamig, sa dulo ng kaniyang mga daliri.
Sinlambot ng rosas, sinbanayad ng kulimlim, ang haplos, na dumudulas, na patungo sa aking puson. At ang malalamig na daliri, nagpatuloy sa paghahanap, ng kandilang sa akin susunog, at hanggang sa hindi kinaya, ako’y muling bumalikwas. Ngunit hindi na mapigilan, nilubos na niya ang pagpaparaya — ako’y muling niyang kiniliti ng mga balahibo sa daliri, kinurot sa pagitan ng hintuturo at hinlalato.
Kinilabutan ako sa mapangahas naming libog, sa harap ng publiko, sa mga mata ng Diyos; ang krimeng pinahihintulutan ng kaluluwa kong nauuhaw, natitigang, nasasabik sa mga halik at yakap at haplos. Sa munting malisya ng estranghero, at init, at pagnanasa, ako’y nadadarang — panawid uhaw.
O ako ba’y nananaginip? Ng marahang pagkakapikit, ng mga pisnging nag-iinit, ng mga daliring walang mukha. At ang kuryente sa maselang balat, ang pinababayaang paglapastangan? Ako’y napalulon, sa tuyong lalamunan, ng pagnanasa, ng init sa aking bibig…at nalaman kong ako’y buhay, nasa ulirat, nasa alapaap.
Ngunit kulang, ang halik sa leeg, ang marahas na paghablot, ang pagpitas sa katawang unang regalo ng kalikasan.
Huminto ang jeepney, naglaho ang mahihiwagang daliri, ako’y napadilat. Ngunit hindi lumingon sa kung saan na nagtungo ang estrangherong nagnasa. Ako’y iniwan niya, na hubad, na bitin, at nilalamon ng kawalan.
Kawalan.
Sumunod, ilang minuto pa, sa harap ng mga mata na di ko na matitiyak, kung nawangis sa aking mukha ang matinding pagnanasa.
PAG SA KANTO-KANTO LANG:
may nakatabi akong nangcha-chancing sa jeepneeeyyy! jajajaja!! at nagpa chancing naman ako! jejejeje!! iba na talaga ang mga adikkk!
ahhaha…
ayos ang experience ah..
answerte nung mama.. lolz.