Posted on

PUTANGINANG KWENTONG FUBU

Mataas ang sikat ng araw noon, Martes, buwan ng Marso. Unti-unti nang nawawala ang lamig sa simoy ng hangin. Sayang, matatapos na ang pagtitipid ko sa aircon. Pero tipid na rin sa labahing hoodie. Paglabas ng bahay, hindi na ako nagsuot ng jacket, brown shirt na lang at six-pocket shorts na bulsahan ng dalawang pakete ng yosi. Di na ako nagsuklay o nagtali ng buhok, inilugay ko na lang. Tingin konti sa salamin, guwapo pa rin kahit bagong gising. Lagi naman. At gaya ng bawat araw sa aking buhay, gigising ako at babangon para lamanan ang baga bago sikmura.

Gaya ng dati ang buong paligid, pwera na lang noong dumating na ako sa subdivision park. Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa relo: 6:14 am. Dati rati’y sa oras na alas-sais, nag-iisa lang ako lagi tuwing smoking session. Pero kung hindi ako namamaligno, may nakaupo ngayon sa paborito kong kiosk. Hindi naman sa sinasarili ko ang park pero, nasanay na akong nag-iisa rito sa loob ng diri-diretsong tatlong buwan.

Dahil wala nang ibang safe na lugar kung sa’n pwedeng labagin ang batas, mag-uusok na ako rito kahit may makakakita. Baka nga hingan pa ako ng kahit tatlong sticks. May ilang metro na lang ang lapit ko nang mapansin ko ang babaeng naka-white tank, kulay brown ang buhok at nakayuko. Bagong salta siguro sa subdivision at may katagpuan. Nakaramdam ako ng inis. So magli-live show sila habang nagyoyosi ako rito?

Walang basagan ng trip. Umupo pa rin ako sa kabilang dulo ng bench, may dalawang metro mula dun sa babae. Naglabas agad ako ng isang pakete at sumindi, humithit, bumuga. Tangina. Sa wakas nakuha ko na ang pabuya ng labinlimang minutong paglalakad. Nagsimula nang umikot sa maruruming ugat ko ang kaluluwa ng maluwalhating sigarilyo, at malamang lamang naaamoy na rin ito ng katabi ko. Sa katahimikan, naulinigan ko ang mga hikbi na parang huni ng kuting. Labas nanaman sa ordinaryo. Napalingon ako sa aking kaliwa. Siyet, kaya pala nakayuko yung dalaga ay dahil umiiyak. Nakaramdam ako ng kaunting simpatya, pero sobrang bahagya lang.

Humithit lang ako nang humithit. Naubos ang isang stick at nagsindi ulit ako. Hikbi. Pangalawa, pangatlo. Hikbi. Langya, mga thirty minutes na ata siyang umiiyak. Ako ang nade-depress sa kundisyon niya. Naiirita na rin ako dahil ayoko sa mga pusa.

Naisipan kong tumayo na sa wakas at lumapit sa kaniya. Bahala na. Paglapit, napansin kong sobrang puti at napakapayat ng kaniyang mga binti. Parang anorexic na Snow White.

“Miss, yosi?”

“N-no…thanks.”

“Kung gano’n, pwedeng tumigil ka sa pag-ngawa diyan?”

Biglang tumigil sa paghikbi ang babae, natigilan na parang estatwa. Matapos ang saglit na paghihip ng hangin, iniangat niya ang kaniyang mukha mula sa pagkakabaon sa mga palad, walang takot na iniharap ang mga magang mata at namumulang ilong.

“What?”

Natigilan sa pag-ikot ang mundo ko. Hindi lang siguro tumigil, noong saglit na iyon nabaligtad ang mundo ko.

Martes, at nagkakilala kami ni Ciara.

Madali lang malimutan ang hugis ng kaniyang mukha, arko ng mga kilay, lungkot sa mga mata, kinang ng mga labi. Hindi naman kagandahan ng babae si Ciara, pero hindi panlabas na anyo ang nakakaakit sa kaniya. Masyado pa nga siyang payat kung tutuusin. Subalit noong pinauna ko siyang maglakad at napagmasdan, napansin ko ang lamyos ng kaniyang mga binti, gewang ng balakang, bagsak ng balikat na hindi matatawaran. Natulala ako – umandar sa isipan kong gumigiling ang bewang na iyon habang sinasakyan ako, kapwa kami kapos ng hininga, hubo at hubad.

Nang natauhan, iwinaksi ko agad ang ideya sa aking isipan.

“Ralf, salamat sa paghatid sa akin hanggang dito sa pintuan.”

“Ah, wala ‘yon, magkatabi lang naman ang pintuan natin. Parang hindi na rin kita hinatid.”

“Ikaw talaga. Thanks for the advice.”

“Anytime, katukin mo lang ako kung magkaproblema ka ulit.”

“Talaga? Then I think kakatukin kita mamayang gabi.”

“Bakit, di mo pa rin ba kayang sungalngalin yung gago mong syota na walang kwenta?”

“Not that, Ralf. It’s just that…From now, I’ll be alone, remember?”

Katahimikan. Humuni ang wind chimes sa pintuan ni Ciara, habang nabitin ako sa ere dahil walang masabi. Naipit ang dila ko sa di mawaring dahilan.

“Have a good day na lang, Ralf.”

Nagsara ng pintuan si Ciara, pero hindi nagkandado. Nagkibit-balikat na lang ako. Kumalam ang sikmura ko. Naalala kong may beer at pizza pa sa ref. Pwede na. Sa likod ng isipan ko, nagtatatalak si nanay kung bakit 27 na ako pero hindi pa humahanap ng mapapangasawa. Ang mama talaga. Para namang hindi siya byuda at nagdadala ng sugat na dinadala ko rin ngayon.

Hinuhugasan ng beer ang lalamunan ko nang tumunog ang door bell.

“Sandali lang.” Humablot ako ng tuwalyang isasampa sa hubad kong mga balikat. Muntik na akong matalisod sa nakakalat sa stresss ball sa sahig, pero narating ko naman ang pinto.

“Good morning! I just decided to bring you this cake. Ako ang nag-bake niyan, kahapon. Naisip kong hindi ka pa siguro nag-aagahan…”

Nag-trail off ang boses ni Ciara nang natanaw ang bote ng alak sa aking kanang kamay. Sabay kaming napalingon sa aking agahan.

“Sige, salamat ha, kuha lang ako ng platito paglagyan niyan. Pasok ka.”

Tinalikuran ko si Ciara at nagtungo ako sa kusina. Pinakiramdaman ko na lang ang magagaan niyang yapak papunta sa salas. Kahit hindi ko nakikita, nararamdaman ko ang mga mata niyang sinusuyod ng tingin ang paligid, mula sa mga balat ng sitsirya na nakaipit sa sulok-sulok ng sofa at mga bote ng gin sa ilalim ng center table. Ilang buwan ko na ring hindi nawawalis ang sahig.

“So you live alone, Ralf?”

“Masyado bang obvious?”

“Well, the room speaks so.”

“Pasensya na, ha,”

“That’s okay…I can tidy up if you like.”

“Sigurado ka?” Sobrang dumi to the point na visitor unfriendly na ba ang bahay ko?

“Yes. Did you know, interior designer ako?”

Inabot ko ang cake mula kay Ciara. Pagkatapos, nagkangitian kami.

Buong araw, nilinis namin ang living room ko. Medyo nakakahiya kasi kapitbahay ko si Ciara, ngayon pa lang kami nagkakilala at higit sa lahat, bisita ko siya. Eh hindi naman ako makatanggi sa kaniya. Sa totoo lang, mukhang masaya si Ciara sa paglilinis ng bahay, at sa pinagsasamahan namin. Minsan minsan, aksidente siyang mabubunggo sa akin, mapapayakap sa hubad kong dibdib. Dadaanin na lang niya sa kaunting tawa, at “excuse me.” Pero habang tumatagal, nahihirapan na akong huwag pansinin ang pinagpapawisan niyang mga binti, namumulang mga pisngi dulot ng init, pawis sa leeg na tuwing papahirin niya’y lalong umaalinsangan ang paligid. Medyo natatahimik na ako, nang bigla siyang napasabi,

“Ralf, gutom ka na ba? Tara lunch na tayo sa bahay ko, I doubt may ready-to-eat stuff ka dito.”

Tinungo ni Ciara ang pintuan ko’t iniawang iyon, sabay tumango at tinawag ako.

Malinis sa loob ng bahay ni Ciara kaya mukhang mas maluwang kesa sa bahay ko. Obra ang interiors ng bahay niya. Krema ang kulay ng mga pader samantalang itim ang mga muebles.

“Make yourself at home, Ralf. Aakyat lang ako sa taas para mag-shower ha, tapos init ko na lang yung menudo sa ref. Buksan mo lang yang tv para hindi ka ma-bored.”

Hinanap ko ang remote at ibinagsak ang sarili sa sofa kahit pawisan. Pagbukas ko ng tv, bahagya akong nagulat dahil naiwanan pala ni Ciara na may nakasalang na porno sa dvd.

Takte. Taon na mula nang huli akong nakasilip ng porno, bago nawala si Tricia. Nanginig ang mga daliri ko sa naglalabang libog at konsensiya, subalit hindi ko maalis ang mga mata ko sa tv. Nagsisimula nang sumikip ang lalamunan ko sa init, nang biglang tumawag si Ciara mula sa taas.

“Ralf! Pwedeng paabot ng robe sa kuwarto ko? Katabi lang ng shower, please!”

Nagawa kong patayin ang tv, subalit hindi ang umbok sa aking shorts. Hindi ko na rin ata napansin, kaya dali-dali ko na lang inakyat ang hagdan pero buong pag-iingat na hindi ako matapilok at maaksidente. Sa kanan ko, naroon ang pinto ng shower room, katapat ng kuwarto ni Ciara na nakaawang ang pinto. Medyo magulo sa loob ng kuwarto ni Ciara at medyo masikip. Natagpuan ko ang pulang bath robe niya na nakasabit sa taas ng dresser, agad hinablot, ngunit laking gulat ko ng pagharap sa pinto ay nakatayo roon si Ciara, walang saplot, tumatagaktak ng tubig ang buong katawan.

“Ralf!”

By instinct, lumingon ako sa aking kaliwa at pinalis ang tingin kay Ciara. Inilahad ko ang bath robe at hinintay na kunin niya.

“S-sorry kung hindi ko nasabi na umakyat ako.”

May bara sa lalamunan ko, dinig naming pareho iyon ni Ciara. Nag-init ang mga pisngi ko sa aking pagpipigil na lapitan siya at gawin ang kanina ko pa gustong gawin. Dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso ko at ang pagragasa ng dugo sa aking mga pulso, mas malakas pa sa tunog ng relo sa pader. Naramdaman ko si Ciara na humakbang papalapit sa akin.

Ngunit tinabig niya ang aking braso imbes kunin ang roba. Napakunot noo ako sa ginawa niya at nagdalawang isip kung lilingon sa kaniya. Subalit dahil sa pinaghalo na yatang sorpresa, gulat, at libog, hinarap ko si Ciara at tinanggap ang pagbati ng kaniyang mga uhaw na uhaw na mga mata. Ilang pulgada na lang ang lapit ng hubad niyang dibdib sa hubad kong dibdib. Sumasagi sa puson niya ang kanina ko pang nagwawalang alaga.

Hinagod ng mga mata ko ang kahubdan ni Ciara, ang mapuputi niyang tayung-tayong mga suso na nagpapasukat ng aking mga palad.

Nang nagtama ang aming mga mata, ikinawit niya ang kaniyang mga braso sa aking leeg, habang hindi na nakapagpigil ang mga labi ko’t hinagkan ang nakanganga niyang bibig. Hinapit ko sa balakang si Ciara na nagpasinghap sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko habang ang isang binti ay isinampa sa aking bewang, upang maghinang ang aming mga kaselanan. Bumaon ang mga kuko niya sa likod ko. Sa paglalaro ng dila ni Ciara sa loob ng aking bibig, obvious na hindi na siya makahintay sa akin. At malamang nararamdaman niya rin kung gaano ako kasabik sa babae, kung mahapit ko na lang siya palapit sa akin.

Hindi ko na mapigilan ang init sa pagitan naming dalawa, hindi ko na kayang mas lalo pa itong mamuo. Inalalayan ko ang isang hita ni Ciara at niyakap ang katawan niya upang maipangko sa kama. Nang nasa ibabaw na ako ni Ciara, agad niyang inalis ang pagkakabutones ng shorts ko at hinubad iyon. Nang natikman ko ang malamig na palad ni Ciara, nakaramdam ako ng impit na sakit dulot ng lubos lubos na pagnanasa. Hindi ko iyon naitago sa lakas ng ungol na kumawala mula sa aking lalamunan.

“Take me, Ralf…”

Nanghihina ang mga mata kong nakatunghay kay Ciara, ang kaluluwa ko’y bihag ng pagnanasa. Napasigaw si Ciara sa aking unang ulos. Marahas kong hinalikan ang leeg niya habang ako’y naglabas masok sa kaniyang kaselanan na animo’y isang delubyo. Hindi ko na inisip kung kayanin ba niya ang naghihinayop kong pagnanasa. Ngunit ang matikman muli ang unang biyaya ng Ama matapos ang mahabang panahon, hindi ko maipaliwanag kung anong luwalhati ng dulot nitong grasya. Ang alam ko lang ay nasa malambot at mainit akong langit, nagdederilyo sa isang lugar na hindi mapapantayan ng kahit anong paraiso sa lupa. At ang natatanging paraisong iyon ay sa loob ng kweba ng babaeng namimilipit sa sarap ngayon sa ilalim ko, umuungol at lalong nauuhaw habang tinutugunan ko ang pangangailangan ng katawan niya.

Nabulag ako sa liwanag na umangkin sa aking kamalayan. Sumabog sa buong katawan ko ang nakalalasing na ligaya, ang luwalhati, hanggang sa kadulu-duluhan ng aking mga daliri. Nais kong maluha, umungol at umiyak gaya ng isang sanggol na sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng biyaya galing sa Maykapal.

Hindi iyon ang una at huli naming pagtatalik ni Ciara. Nasundan ito ng marami pang pagkakataon. Ginawa namin sa banyo, sa kusina, sa salas, sa balkonahe – wala na kaming pinatawad na sulok ng bahay niya. At tuwing gagawin namin, animo’y unang beses pa rin. Masasabi kong nagbabalik ako sa mga araw ng aking kabataan, ng lubos-lubos na kapusukan.

Isang gabi, habang nakaunan si Ciara sa aking bisig, matapos ang tatlong rounds namin, napagdesisyunan kong sabihin sa kaniya ang matagal ko nang balak.

“Ciara, gusto kitang ipakilala sa mama ko.”

Sintahimik ng hatinggabi si Ciara.

“Ayaw mo ba?”

“So…you’ve been telling your mom about us?”

“Hindi naman. Nakikita niya lang na sa wakas maayos na ang living room ko at may edible food sa ref.”

Natawa kaunti si Ciara. “She’s not looking for a housemade, is she?”

Bumuga ako ng usok ng sigarilyo, napatawa. “Aba hindi!”

“Eh pa’no mo ako ipapakilala sa kaniya, na not as your maid?”

Napaisip ako saglit. “I’ll tell her you’re my best bud.”

“Buddy?”

“Fuck buddy, gusto mo?”

“Hey!” Kinurot niya si junior.

“Aba’t!”

Humalakhak si Ciara.

“Pag hindi ka papayag na maipakilala ko sa mama ko, paduduguin ko yang mga labi mo.”

“Labi sa taas o labi sa ibaba?”

Napangisi ako at hinalikan si Ciara. Subalit pag-angat ko ng tingin at pagharap sa sidetable, may isang larawan na bumati sa aking paningin, na hindi ko napansin dati pa, at sana ay hindi ko na nakita kailanman: litrato ng isang binata na malamang lamang nasa early twenties o late teens, nakalagay sa hugis pusong frame. Hindi ko nais ang sumunod kong naramdaman, at ayokong lagyan iyon ng ngalan. Ngunit alam na alam ko ang tawag sa pakiramdam na iyon.

Selos.

Kinabukasan, dumalaw si mama sa apartment ko para makilala si Ciara.

Nakasuot si Ciara ng white dress at may puting headband sa tuktok ng makintab niyang buhok. Kulang na lang maging huwes ang nanay ko, at parang araw na ng aming kasal. Nagdala si Ciara ng niluto niyang kare-kare, na nakwento kong paborito ng nanay ko. Nagustuhan ni mama ang luto ni Ciara, dahilan para maikomento:

“Hija, kelan kayo magpapakasal nitong si Ralf, at nang hindi na niya mapakawalan ang tulad mong hulog ng langit?”

Gusto kong buhusan ng malamig na tubig ang nanay ko. Limandaang beses ko nang sinabi na wala kaming relasyon ni Ciara. Wala na lang sa amin ni Ciara ang umimik.

“Ciara, bigyan mo ako ng maraming apo, ha!”

Napangiti si Ciara, at natawa ng mahina. Bigla kong naalala na kahit kailan, hindi kami gumamit ng condom. Posible kayang…

“You know Ciara, Ralf loves kids. He used to teach sa prep. And Tricia was a kindergrten teacher, di ba, Ralf?”

“Ma – ”

“Ciara, conserative lang talaga itong si Ralf. Pero hindi kayo tumatanda at bumabata, at lalong alam ko, hindi kayo naglalaro ng video games dito sa subdivision. Maganda ka, Ciara, dapat maipasa mo na yang genes mo bago pa maluma ang makinarya mo, hija. How many kids do you intend to have, Ciara?”

Hindi ko na matandaan eksakto kung paano natapos ang usapang iyon sa hapag-kainan. Salamat kay nanay, namatay din ang aking panlasa. Pero hindi lang naman ako ang naluto – mas ginisa pa niya si Ciara kung tutuusin. Pero sa bawat pa-iwas na sagot ni Ciara, bawat pagtanggi, siya namang higpit ng paghawak ko sa tinidor.

Napuno ako ng panibugho at hindi maipaliwanag na galit. Naalala ko ang larawan ng binata sa sidetable ni Ciara – ang sagot sa mga tanong ko, malamang lamang.

Kinagabihan, kinatok ko si Ciara para pag-usapan ang lahat.

“Ano bang sinabi mo sa mama mo ha, Ralf!”

“Edi sinabi kong wala tayong relasyon! Dahil wala naman talaga, di ba?”

“Wala? Bakit, Ralf – ano ba talaga tayo?”

“God! How can you even ask that, Ciara?”

“Can’t make an answer, Ralf? Masyado bang obscene ang fuck buddies?”

“Watch your mouth!”

“I am not going to be your baby maker, Ralf!”

Halos idura sa akin ni Ciara ang huli niyang sinabi, sa gitna ng pagluha at pagbagsak ng sarili sa sofa. Napadakot ako ng mga kamao. Nagbalik ang kakaibang alab ng galit sa aking dibdib. Hindi ko napigilan ang pag-akyat ng sakit patungo sa aking mga mata na pinaantak na ng mga munting butil ng luha. Nagdilim ang aking paligid na lumamon sa akin hanggang nakaramdam ako ng panliliit – ipinagkakanulo na ba ako ng aking damdamin?

Nakuha ko na ba ang nais ko kay Ciara, ang lahat ng pwede kong makuha sa kaniya? Ang kaligayahan? Ang init tuwing gabi? Bakit may puwang ngayon sa aking dibdib?

Alam kong may kasagutan, ngunit iyon ang tipo ng kasagutang hindi ko gustong pakinggan. Bigla akong nakapulot ng tanong mula sa kawalan: bakit pa ba ako nandito, sa bahay na ito, sa buhay ni Ciara? Kirot. Kumilos ang mga talampakan, papalabas sa pinto ni Ciara. Iniwan ko siyang umiiyak, kung umiiyak nga ba siya. Nabibingi na ata ako dahil sa sigaw ng damdamin kong pinipilit huwag pakingggan.

Maningas pala ang mga bituin noong gabing iyon.

Lumipas ang mga araw, umabot ng isang linggo, dalawa, wala akong natatanggap ni-ha ni-ho mula kay Ciara. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay tuwing umaga. Magsisimula ang umaga sa pagsikat ng araw, bote ng alak, sigarilyo, hanggang sa buwan na pala ang nasa langit ay hindi ko na namamalayan.

Pero naubos din ang case ng beer sa ref at mga pakete ng yosi, at lumabas ako ng bahay.

Nasilaw ako sa liwanag. Pagyapak ko palabas, may brown envelope na nakasiksik sa ilalim ng front door. Sa likod, nakasulat ang “To Ralf”. Saglit akong napaisip kung kanino galing. Hindi ito by delivery, at malamang galing lang sa kabilang pinto. Kay Ciara. Binusisi ko ang laman ng brown envelope. Hindi nga ako nagkamali.

My Dearest Ralf,

Sorry if I’ve been keeping the truth, all along. I’ll never forgive myself. You should have what you deserve. I love you.

Ciara

Ibinaba ko ang sulat, ngunit hindi ang mga tanong sa aking isipan. Sumunod kong nahugot sa envelope ang isang birth certificate, na lubos na nagpakunot sa aking noo. Nakapangalan iyon kay “Juan Celso Bautista Apostol” at naka-petsa sa taong February 12, 1986. Naka-clip sa sertipiko ang litrato ng isang batang lalake, nakasakay sa stroller. Marami pang litrato sa loob na may mga petsa sa likod. 1998, nakasuot ng palda ang batang lalaki habang kumakaway sa kamera. May ibang kuha na kasama ang mga batang babae na naglalaro ng chinese garter at mga manika. 2002, naka-makeup ang baklita na hawig na hawig kay Ciara, second-runner up sa isang beauty contest. Miss Gay 2002. Kumabog ang aking dibdib. May mga resibo galing sa surgical clinic, mga piraso ng milagro, hanggang sa ang huling litrato na ngumiti sa harapan ko ay hindi maipagkakailang si Ciara.

Humuni ang maya sa aking bintana.

Samantala, sa himpapawid, may umugong na eroplanong papunta sa ibang dimesyon, habang ang huni ng nag-iisang ibon sa aking bintana ay naglaho.

About miatot

three words: kalog, bastos, emo, makulit. motto: spill your heart on the party table. hobby: procrastination

One Response to PUTANGINANG KWENTONG FUBU

  1. basherx ⋅

    possible ding ma-attach sa fubu and magkaron ng emotional connection.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s