Weird, ngunit ito’y isang katotohanan sa akin — mahirap magsulat unless tatamaan ako ng pagka-moody. Ibig sabihin, kapag madalas akong magsulat, malakas ang hinanakit ko sa mundo.
Pero yung mga panahon na “okay” lang naman ako ay hindi phases ng writer’s block. Kung mahihiram ninyo ang isipan ko sa loob ng isang araw, makakarinig kayo ng madaldal na boses na parang nagmumulto, bumubulong, humuhuni. Chos. Bihira na nga lang akong makaramdam ng kasiyahan sa buhay, alangang i-vent ko pa iyon sa pagsusulat.
Two days na ata akong “masaya”. Walang galit at sama ng loob. Parang eight years old lang na sakto ang paningin sa mundo. Pakanta-kanta pa nung song ni Alice (Disney), yung nasa meadow siya at iniisip kung anong klase ang Wonderland. Pero hindi lang naman ngayon. Last week, natuwa ako konti, kasi legit na yung pagkanta-kanta ko ng Frosty the Snowman every now and then. Gitna kasi ng July, bigla na lang akong mapapa, Frosty the snowman…was a fairytale they say, kaso hanggang dun na lang kasi hindi ko na alam ang kasunod. hahaha. Buong buhay ko hindi pa nga pala ako nakapag-carolling. Lungkot. Pag nagka-siyota ako balang araw, sana yayain naman ako nung mangarolling.

Pero hindi naman 24/7 na masaya ako. Siyempre, may mga emode pa rin. At para na lang akong tanga minsan. Habang nasa department store ng SM Taytay, sinasabi ko sa sarili ko, nasa SM Baguio ako, tapos yung tawiran don, kunwari viewdeck. Marami rin namang ilaw, mga ilaw ng sasakyan. Kalahati ng lane pula, kalahati ng lane, dilaw. Tapos sa isang kamay ko ay yung lasang papel na hashbrown burger, at sa isa ay panulak na red iced tea.
Ginabi ako ng uwi noon sa pagpapaka-bloated. Sabi ko, ibinabalik ko lang ang lifestyle na nami-miss ko. At dahil siomai at kalungkutan ang lifestyle ko noon, then let the fuck be.

Masaya na ako, as in masaya. Natutuwa na ako sa mukhang nakikita ko sa salamin. Nakikipagtawanan na ako sa groupmates ko. Pakiramdam ko, isa na uli akong social being. At healthy, emotionally.
Kaso pagbukas ko ng facebook…hahaha…wala lang…naalala kong ako lang pala ang nagbibigay ng atensyon sa sarili ko. Delusional nanaman ako. Wala pa ring nagbabago, ganun pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mga pananaw na isinusubo ko sa sarili ko.
May mga pagkakataon talaga na makakaramdam na lang tayo ng sakit sa ating mga puso nang hindi natin mamamalayan, hindi natin ginugusto, hindi natin sinasadya. Sa saglit na iyon, doon lang natin malalaman kung ano ba talaga ang hinahanap natin sa mundong ‘to, kung anong wala sa atin at kung anong akala nating meron sa atin.
Siguro dapat nagsulat na lang ako. Sayang din yung kwento ng mag-inang tatawid sa kalsada. O yung half-finished kong istorya ng namamatay na batang pulubi. Ngeeey. Magiging manunulat kaya ako? Magkakabagong ID kaya ako next year? Hmm. Wag munang isipin. Darating din yun kung darating.

Sa ngayon, nakakasampu na ako sa listahan ko. Darating na lang din siguro kung darating yung mga litratong yon.








