7:18 PM 8/8/2011
minsan, hindi natin napipili kung ano ang meron tayo, at kung magiging masaya ba tayo. isang shit lang ang sinasabi nilang “life is a matter of choice”. mga bullshit…taena, 99.9% ba ng pagkakataon nagdedesisyon ka ng gusto mong mangyari sa buhay mo tapos magkakatotoo? hindi, sa 99.9% na iyon, ang ginagawa natin ay makibagay sa agos ng buhay at gawin ang mga itinakda sa atin. ang masaklap pa ay kapag naiasa natin sa isang bagay o sa isang tao ang kaligayahan natin…hindi mo choice kung magiging masaya ka…pwera na lang kung pati sarili mo ay kaya mo nang lokohin.

isinulat mo, kayong dalawang magkasama. pero hindi naman ikaw ang pipili kung gusto na niyang lisanin ang buhay mo, di ba? isipin mo na lang, dre, buhay ka naman noong wala pa siya sa buhay mo, edi mabuhay ka na lang ulit ng gaya noon!
pero dre, hindi pwede, nung dumating siya at umalis, tinangay niya ang buhay ko…hindi na ako mabubuhay, dre, parang kahoy na kinain ng anay ang loob. i am hollow, men, wa na akong choice but do become dust na lang.
kasinungalingan. tumigil ka nga pagsimangot. huwag mong pakiramdaman ang sakit. pwede, umiyak ka magdamag para bukas, wala na ang sakit, nahugasan na ng mga luha. ang isipin mo na lang, hinayaan niyang mapunta siya sa kinalalagyan niya ngayon, at nagkataong hindi iyon sa piling mo. in short, hindi na siya nag-e-effort para manatili kayong magkasama. wala na siyang pakialam.
saan ako nagkamali, dre? saan? may nasabi ba ako na hindi niya gusto? may nasulat ba akong hindi niya gusto ang timpla? sabihin mo sa akin, dre! parang awa!
kung maling pamumutaktak lang ng bunganga mo ang problema, hindi mo iyon kasalanan. bakit, noong ikaw ba ang nasaktan niya, sumuko ka ba? hindi, di ba? e nung siya ang nasaktan mo, napatawad ka ba? kung talagang mahal ka ng isang tao, hindi niya matitiis na hindi ka patawarin. pero bakit iniwan ka niya ngayon, dre? isa lang ibig sabihin niyan, hindi ka niya mahal. kaya wag ka nang pakatanga.
pwede bang bumukas na lang ang lupa, at lamunin ako? ayoko na, dre, hindi ko na kayang tumulala sa kisame, habang kusang tumutulo ang mga luha ko. it hurts so much, you know, men. bakit siya lang ang gusto kong mapasaakin, pero hindi ko makamit, men?
simple lang ang sagot, dre. kung siya ang buhay mo, patunayan mo. pakamatay ka na. at sa bawat araw na naglalakad ka sa ibabaw ng mundo, sa bawat paglunok mo ng pagkain, sa bawat paghinga — murahin mo ang sarili mo. tangina, kung siya nga ang buhay mo, bakit nabubuhay ka pa?
Love the line :’ Tangina, kung siya ang buhay mo, bakit nabubuhay ka pa?’