FACT#1: sa isang relasyon, huwag kang possessive. he is not yours. “slaves” lang ang tanging human property, at bago pa mag civil war iyon.
FACT#2: hindi por que “kayo” ay iisang buhay na ang taglay ninyo. tandaan, magkaibang ECG pa rin ang gagamitin ng bawat isa sa inyo.
FACT#3: hindi ikaw ang mundo niya, pero gusto mong maging ikaw. kung ikaw naman ang mundo niya, masasakal ka at aayaw.
FACT#5: dapat may mang-iiwan. mas okay na yun kesa nag-fade away ang relasyon ninyo. nakakagulat yung after ten years ay may kakatok sa pinto mo, naniningil ng utang. nakakainis din.
FACT#6: hindi ikaw ang gusto niyang makasama sa bawat oras kaya wag kang mapapel. unless nasa honeymoon stage kayo, or sugar mommy ka niya, pwede pa.
RULE#7: wag kang maniniwala sa isang bagay na nasabi habang masaya ang isang tao.
FACT#8: maiikli lang ang masasayang bagay. hindi rin sila nauulit. kaya wag ka nang umasa.
FACT#9: sa taong malibug, iisa lamang ang pag-ibig at kalibugan.
FACT#10: sarili lamang ng isang tao ang iniisip niya kung namomroblema ka na at siya ang dahilan pero sa kakitiran ng utak ay di man lang niya “gets.”
FACT#11: ang totoong nagmamahal ang napag-iiwanan.
FACT#12: hindi lahat ng “i love you” ay may katapat na “i love you, too” at hindi lahat ng “i love you” ay dapat tapatan ng “i love you, too”.
RULE#13: pag humahalik, pumikit ka. kelangan mo pa ba ng dahilan?
FACT#14: ang relasyon ay parang pakikipag-usap sa telepono. dalawang kapwa willing makipag-usap ang kelangan para maging active and isang voice call, pero isa lang ang kelangang “magbaba ng telepono” para mag end call.
FACT#15: maghihintay ang ka date mo ng kahit isang oras o higit pa kung gusto ka niya talagang makasama. balewala na ang paghihintay niya sa lobby sa oras na makita ka niyang dumating para makasama siya.
RULE#16: walang turn-off turn-off pag mahal ka talaga. kahit anong bisyo mo basta mahal ka ng isang tao, kekerihin niya yon.
RULE#17: okay lang abusuhin ang isang tao basta mahal ka naman niya. saka lang siya magau-audit ng lahat ng kabutihan at kasamaan mo pag tapos na kayo.
RULE#18: dahil love is blind, kung mahal mo talaga ang isang tao kahit ano pa ang background niya dapat tanggap mo lang. kahit may pamilya siya ng serial killers, drug lords, o pablings. wa epek rin dapat sayo ang katotohanan na naging two-timer o three-timer na siya.
RULE#19: pag wala na kayo, wag ka nang umepal at kaibiganin pa ang bago niya, kahit wala kang masamang intensiyon. riot lang ang pinapasok mo, dear.
FACT#20: gusto mo siyang bigyan anonymously ng roses para sa valentine’s day, kaso nabadtrip ka at umayaw. nakita mo kasi silang magkasama ng bago niya habang papunta ka sa booth.
FACT#21: ang taong naiwanan ang patuloy na magmamahal at hindi makakamove-on.
FACT#22: kahit umiyak ka ng tuloy-tuloy sa loob ng dalawang araw at gustuhin mo nang mamatay ay hindi magiging maayos ang lahat. kaya tumahan ka na.
FACT#23: walang alam ang mga magulang mo sa lablayp mo at wala naman silang dapat malaman. malalaman na lang nilang buntis ka.
RULE#24: hindi ka na dapat magulat kung ang tao na dati ay ipinaglalaban ka ay binabasura ka na ngayon.
RULE#25: ang panlalandi ay hindi katumbas ng panliligaw at hindi lahat ng lumalandi sa’yo ay gustong makipagrelasyon.
RULE#26: may mga tao na naniniwala sa, “wag muna. masyado pang maaga. MU na lang muna tayo.” kaya wag kang masyadong atat na masiguradong “nagmamahalan” nga kayo.
RULE#27: di mo kelangang sabihin lahat ng nasa puso mo kahit gaano pa kabusilak ang mga iyon. mapagkakamalan ka lamang korni at namfa-flatter. mababad-trip mo lamang ang taong mahal mo.
RULE#28: minsan makakaramdam ka ng boredom at para bang nakakatamad na. kaya wag mong i-expect na araw-araw ay masaya. pero kahit ganun, dapat alam mo pa rin naman na mahal mo isang tao, pwera na lang kung hindi na talaga.
FACT#29: ayaw mo lang siyang iwan kasi naaawa ka at iniiyakan ka kasi. awa lang ang dahilan kaya nagtitiis ka pa, at hindi pagmamahal.
RULE#30: magmomove-on ka pa rin kahit ikaw ang nang-iwan. mage-emo ka pa rin.
RULE#31: sasakyan mo dapat ang lahat ng gusto ng isang tao kapag kayo na, or at least kahit sa “MU” stage pa lamang. kahit hindi bukal sa kalooban mo ay mararamdaman mo na lang na parang obligado ka.
FACT#32: hindi por que sinakyan niya ang gusto mo ay ginagawa niya iyon para sa iyo. maaaring ginawa niya iyon dahil gusto rin niya.
RULE#33: wag mong i-expect na lahat ng ginagawa niya ay bukal sa kaniyang kalooban at bunga ng pagmamahal niya sa iyo.
FACT#34: may mga tao na nandidiri na sa ginagawa mo pero hindi nila sinasabi. either plastik o naaawa lang sa’yo.
FACT#35: wala ka na dapat pakialam sa taong nang-iwan sa’yo pero meron pa rin. at wala na ngang pakialam sa’yo yung taong nang-iwan sa’yo e tatanga-tanga ka pa rin.
FACT#36: lalandi at lalandi yung tao na napag-iwanan sa isang relasyon.
RULE#37: dapat magaling kang magsulat. isulat mo lahat ng naganap habang nagmamahalan pa kayo. dalawa ang pwedeng kahinatnatan niyan: pwede mong sunugin o punit-punitin kunsakaling yung nakahiwalayan mo ay kinasusuklaman mo na. otherwise, pwede mong basa-basahin ulit para sumaya ka naman pag dumarating ang emo moments.
RULE#38: there’s no such thing as moving on. maiintindihan mo rin.
RULE#39: ang classic: hindi pwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao na dating magka-ibigan. may isa sa dalawa na hindi talaga makikipagkaibigan ulet kahit ba gustuhin pa ng isa. either ayaw niya kasi na hanggang magkaibigan lamang kayo, o ayaw niya na talaga na magkaron ka pa ng puwang sa buhay niya.
RULE#40: navivirgin din ang puso. masakit talaga sa unang beses, kaya dapat dahan-dahan ka lang. ang mga susunod naman na ay, magmumukhang parang laro-laro na lang at di na gano masakit kumapara sa first heartbeak. bawat lover din will make you feel like a virgin, gaya nga ng sabi ni madonna. kaya wag mawalan ng pag-asa, malay o next time satisfied ka na.
***
mukha na akong tanga dahil sinulat ko ito. pero mukha ka na ring tanga dahil binasa mo hanggang dito.