Posted on

KWENTONG FUBU (BAWAL BASAHIN NG MENOR DE EDAD)

***
Sabi ni Patrick, malapit lang daw ang nilipatan niyang apartment. Pero nasa’n na? 45 minutes na akong nagmamaneho na hindi ko man lang alam kung tama ba ang kalyeng dinaraanan ko. Sobrang nakakabwisit! E ayoko namang sumakay ng taxi o mag-jeep papuntang bahay niya. Sabi ko nahihiya ako. Tawa naman ng tawa ang hayup nung sinabi ko yon! Feel niya raw ang haba haba ng hair niya! Kabwisit! Tumingin ulit ako sa relo. Alas singko y medya na pala. Gutom na gutom na ako. Hindi pa ako nagtatanghalian, kalagitnaan pa ng bagyo. Andumi dumi na rin ng sasakyan ko. Langya.

Sa sobrang pagkainis, tinawagan ko ulit ang mokong.

“O nasan ka na?”
“Nasa tapat lang ng gate. Sa’n ka na ba?”
“Nadaanan ko na yung drugstore. Ano malapit na ba?”
“Hahaha. Gigil ka naman e, Daisy. Oo malapit na…”

Nagmura ako. Pinutol ko ang tawag. Kanina ko pa gustong umatras at umuwi na lang sa condo ko. Kaso ang haba na ng binyahe ko. Susulitin ko na lang mamaya pagdating sa…

Nasurpresa at nabuhayan ako ng pag-asa nang nakita ko ang lalaking nagpipindot ng cellphone sa tabi ng kalsada. Preno. Nag-park ako sa tabi ng pulang gate.

Pagkapatay ng makina, labinlimang segundo muna akong nagpalipas ng galit. Kung bababa agad ako, baka masapak at mamura ko lang si Patrick. Kaso, siya na ang lumapit. Binuksan niya ang pintuan ng driver’s seat. Nakangiti. Aliw na aliw sa pagkabwisit ko.

“Hindi ka ba bababa?”

Natatawa niyang sabi habang litaw ang kaniyang mga biloy sa magkabilang pisngi. Pinanlisikan ko na lang ng mga mata at sinimangutan. Dire-diretso akong bumaba mula sa sasakyan, tangay ang aking bag. Hindi ko siya pinansin. Dinaanan ko lang, sinanggi pa nga. Sumunod na lang siya sa akin. Binuksan ko ang pinto ng bahay niya na para bang akin yon. Tuloy tuloy ako sa loob. Ibinagsak ko ang bag sa sofa at humiga. Mumurahin lang ang sofa kaya hindi malabot pero hindi ko na masyadong ininda.

Pagdaan niya sa harap ko, nagreklamo agad ako. “Hindi pa ako nagtatanghalian. Pakainin mo ‘ko.”

“Okeyy…Init ko na lang yung lasagna kanina, ha? Timpla na lang muna kita ng kape, Madam Desiree.”

Sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa kusina. In fairness kay Patrick, kahit nakakabanas, maalaga sa bisita.

Tiningnan ko ang kabuuan ng sala. Malinis naman kahit medyo masikip. Ayos na rin. Maginhawa nang tirhan kumpara sa dating inuupahan niya. Naisipan kong magtanong, “Sino’ng nakahanap nito para sa’yo?”

“Si Nikki.”

(Flash of lightning)

Hindi ko pinansin ang kung anong pumutok na ugat sa sistema ko. Weird lang marinig ang pangalan ng babae na kung tutuusin ay ninanakawan ko ng kasintahan. Pero pagnanakaw ba ito kung binibigay din sa akin ni Patrick nang libre ang sarili niya?

Iwinaksi ko ang ideya sa aking pag-iisip. Hindi pala kami nagbibigayan. Naggagamitan lang.

Bumalik na si Patrick mula sa kusina. May hawak na tasa sa isang kamay at mangkok naman sa isa. Inilapag niya ang mga iyon sa sidetable. Inabot ko saka hinigop. Nilasahan ko ang kape. Pati timpla ng kape ko, kabisado na pala niya. Nagbunga na rin sa wakas ang mga di mabilang na umagang sabay kaming nagkakape sa higaan.

“Pag bumaha mamayang gabi, baka hindi ka makauwi bukas.”

“Ano ka ba? May pasok pa ako bukas, no. Hindi pwedeng bumaha.”

Umupo siya ng mga isang dipa mula sa paanan ko at binuksan ang tv sa pamamagitan ng remote control. Nilipat niya sa Nickelodeon. Spongebob ang palabas. Gusto kong ipapatay sa kaniya ang tv, nakaka arouse ba naman kasi ng mood ang ganoong klase ng palabas?

Ngumuya ako ng lasagna. Ang pangit ng lasa.

Heto nanaman kami sa isang awkward na sitwasyon – isa lang naman sa mga hindi mabilang-bilang na awkward na sitwasyon namin sa loob ng siyam na buwang “pagsasama” bilang fuck buddies. Alam naman naming pareho kung bakit nandito ako, kung ano ang pakay ko, at kung ano ang motibo niya nung nag-text siya saking nag-iisa lang siya ngayong hapon. Haay, kasi naman. Kung pwede lang bang pagkabukas ng pinto, sunggaban na lang agad niya ako ng halik. Para pagkababa ko ng bag sa sahig, alam ko na kung ano ang susunod na ibababa. Hindi yung ganito, nagpapakiramdaman kami kung sinong unang gagalaw.

Napatikhim ako.

Mula sa aking mga labi, ibinaba ko ang tasa sa sidetable. Dahan dahan akong tumayo mula sa sofa at umupo sa sahig sa may likuran niya. Dahan dahan, yung halos hindi niya nararamdamang kumikilos ako sa likuran niya. Tapos, inilapit ko ang tungki ng aking ilong sa batok niya, saka hinalikan iyon ng pagkabana-banayad.

Nagulat ang pucha.

“Anong ginagawa mo sa kin, Daisy???”

Napalayo ako sa kaniya, sa gulat. Namilog ang mga mata ko. Ang lakas lakas ng kabog ko sa dibdib, lintek. Mali ba ako ng napuntahang bahay? Clone ba ito ni Patrick?

“Haha. Sabihin mo naman kasi sa akin kung game na.”

Naghalo-halo ang takot, galit, inis, at libog sa kaibuturan ko. Parte ko ay gustong sampalin si Patrick, parte ko ay gustong manatili doong nakatulala sa kaniya. Tiningnan niya ako ng taimtim, hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ng seryosong tingin. Pinatay na niya ang tv, pero nanatiling nakatingin sa akin, walang kurap.

“Ano ba ang nakain mo, ha, Patrick? Nababaliw ka na ba?” Halos nanginginig na ako. Kung sa kaba o sa lamig ng panahon ba, hindi ko matantsa.

“Hindi pa ako nababaliw, Daisy. Mababaliw pa lang ako sa’yo.”

Malamig na husky ang boses niya sa pagkakasabi non. Naalala ko tuloy bigla ang unang pagkakataon na naakit ako sa kaniya. Sumariwa sa isip ko ang munting salo-salo sa bahay nina Nikki, kung saan dumalo ang pinsan ko na isinama lang ako, at doon ko nakilala si Patrick. Pagkuha ng punch sa mesa unang nagtama ang aming paningin. Kaso hindi kami nakapag-usap dahil bigla siyang hinila ng barkada niya. Subalit para bang nakatadhanang magkatagpo kami. Nagkabungguan ko siya patungong cr, at as if by instinct, doon na nagsimula ang lahat ng namagitan sa amin.

Dumukwang siya at walang anu-ano’y hinalikan ako. Awtomatiko namang napapikit ang aking mga mata. Sinasabi sa akin ng isipan ko na, “Heto na Daisy, simula na, magnanakaw na ulit kayo ng saglit at maya-maya lang ay mawawala ka na sa huwisyo dahil sa sobrang –”

Mapangahas ang dila ni Patrick sa loob ng aking bibig. Mainit na pagsalubong naman ang iginawad ko. Sanay na sanay na kami sa bibig ng isa’t isa ngunit hindi nagbabago ang epekto niya sa akin. Sa sobrang init ng nararamdaman ko nooong saglit na yon, maluluha na ata ako. Hinaplos ng kaliwang pala niya ang pisngi ko, samantalang iniyakap ko naman ang aking mga braso sa katawan niya.
Simula pa lang ito, pero lunod na lunod na ako.

Ipinulupot ko ang mga binti ko sa beywang niya. Isa-isa kong inalis sa pagkakabutones ang aking blusa, ngunit natigil ako nang biglang kumalas ng halik si Patrick.

“Hinay-hinay ka lang Daisy, mahaba pa ang gabi.” Mapanukso ang kaniyang ngiti.

Nainis naman ako. Napakagat-labi ako. Itinulak ko siya at dinaganan. Tinitigan ko ang mga mata niya ng dalawang segundo. Huminga ako ng malalim at sisiilin ko na sana siya ng halik nang ihinarang niya ang kaniyang mga kamay sa pagitan namin, at hinawakan ang mukha ko, at pinagmasdan.

Natigilan ako.

Bumangon siya at tumingin sa akin na parang bata. Mula sa pagkakadagan sa kaniya, napaupo na lang tuloy ako sa sahig. Parang may gusto siyang sabihin na hindi masabi-sabi.

Tumingin siya sa malayo, sa dulo ng bahay niya, sa direksyon ng kusina. Nang ibinaling niya muli ang tingin niya sa akin, napansin kong may lungkot sa mga iyon. Hindi pa naging emosyonal si Patrick sa harap ko, at alam ko, nasa umwritten rules na iyon. Walang pakitaan ng ganoong emosyon sa isa’t-isa. Walang dramahan, sex lang.

Napabuntonghininga siya. “Ikakasal na kami ni Nikki.”

Tumingin ulit siya sa malayo. Napatingin naman ako sa bintana sa labas. Tahimik kami sa loob ng isang minuto. Noong napansin kong yung wall clock na lang ang tanging naririnig sa bahay, nagsalita ako.

“E bakit mo sinasabi sa akin? So hindi na tayo magkikita mula ngayon, ganun ba?”

“Oo, Daisy.”

Para akong tinamaan ng kidlat. Hindi naman dapat ganoon, di ba? Bakit? Pinakiramdaman ko ang sarili at tinanong kung ano ang nadarama. Nasasaktan nga ako. Pero bakit ngayon? Bakit ilang umaga akong umaalis sa tabi niya na wala namang nararamdaman na kahit ano? Ganoon din sa kaniya. Hindi ko binigyang pansin kung iniiwan niya rin ako mag-isa kinaumagahan sa kama ko. At hindi ko naman inabangan kahit kailan ang susunod na araw na magkasama kami. Ngunit bakit ngayong sinasabi niya na hindi na kami magkikita…

“E kung ayoko?”

Traydor na boses at luha. Papaiyak na ako.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Patrick. Salubong ang mga kilay niyang tinanong sa akin, “O bakit?”

Bakit nga ba ako umiiyak? Ni wala nga pala akong karapatang umiyak. Wala naman kaming kahit anong sinumpaan sa isa’t-isa. Bukod sa pagtatalik, pagkakape sa higaan at casual na kamustahan, wala na kaming ibang pinagsasamahan.

“Mahal mo na ba ako?” Tulalang tanong ng ungas.

“Hindi ha, gago ka. Matapos kong naghirap na magpunta dito, paaalisin mo lang pala ako sa buhay mo. Leche ka Patrick…” Niyakap ko ang mga tuhod ko at tumalkod sa kaniya. Kahit ang pakirmdam ko’y nagsasabi ako ng katotohanan, kapwa naming alam na kasinungalingan ang sagot ko.

Gusto kong isigaw sa pagmumukha ni Patrick na niloko niya ako, na pinaasa niya ako sa wala, kaso alam kong wala ako sa katuwiran kapag sinabi ko ang ganoon. Sumali ako sa larong ito, gumawa ako ng mundo namin. Wala dapat basagan.

Pinahid ko ang mga luha ko. Niyakap naman niya ako mula sa likuran. Napapaso ako sa yakap niya. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas. Gusto kong umiyak. Hanggang sa naramdaman kong idinampi niya ang kaniyang labi sa likod ng tainga ko. Ito na siguro ang paraan niya ng pagsasabi ng “patawad” sa akin. Patawad dahil hindi niya ako nagawang mahalin. Marahil, mas nauna niyang naramdaman ang nararamdaman ko para sa kaniya bago ko pa narealize sa sarili ko na meron na pala akong nararamdaman para sa kaniya. Kaya tatapusin na niya ito bago pa maging problema.

“Hindi ko rin naman kayang basta na lang iwasan ka.”

Napapikit ako sa sinabi niya. Oo nga naman, maaaring magpakasal na lang sila ni Nikki at magpakalayo, at basta na lang iwan ako. Huwag nang magpaalam sa akin. Naisip ba niya na pwede niyang gawin iyon?

“Sana, bigla ka na lang umalis sa buhay ko at hindi na nagpaalam.”

“Daisy…”

Napasinghap ako nang matagpuan ng mga palad niya ang aking dibdib. Patuloy niya akong hinalikan sa leeg, habang kagat kagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko maintindihan kung papaanong sa loob ng maikling panahon ay nagawa akong alipin ni Patrick sa kaniyang mga haplos at yakap. Kahit gusto kong magprotesta at pumiglas, hindi ko magawa. Tila ba hinulma ang aking katawan para sa kaniyang kaligayahan. Dati, alam kong hanggang katawan ko lamang ang maaangkin niya. Ngunit katawan lamang ba ang naipaubaya ko sa kaniya sa loob ng siyam ba buwan?

Tumirik ang aking mga mata at napaangat sa pagkakaupo sa sofa nang naramdaman kong ipasok ni Patrick ang dalawang daliri niya sa akin. Sa paglabas-masok ng mga daliring iyon, napaungol ako at alam kong damang-dama niya ang naglalawa kong kaselanan. Tinabig ko ang kamay niya at tuluyan na akong humarap sa kaniya. Pinakawalan ko ang kanina pang nagwawala niyang alaga at hinaplos sa dalawang kamay. Napayakap sa akin si Patrick at napadagan sa akin. Binigyang-daan ko siya upang mapasok ang aking kweba.

Gaya ng dati, tulad ng napakaraming beses na nagsanib ang aming mga katawan, damang dama ko ang perpektong pagkakasukat namin sa isa’t-isa. Walang labis, walang kulang, para lamang siyang bahagi ng katawan kong nagbabalik sa akin. Sa bawat tulak niya at kapit ko, sa bawat singhap at ungol…dati ay hindi ko pinapansin kung gaano kami ka bagay sa isa’t-isa. Subalit ngayong alam kong malamang ito na ang huling pagkakataon…linilok ko na sa aking isipan ang bawat pakiramdam na maaaring hindi ko na matagpuan.

Ikakasal na siya sa kasintahan niya, sa totoo niyang minamahal. Sa babaeng marahil ay ginagawa rin niya ang mga bagay na ginagawa niya sa akin, ngunit nakalakip ang damdamin niya. Magpapakasal na siya sa babaeng hindi lamang katawan niya ang binihag kundi pati ang puso niya. Magpapakasal na siya, iiwan na niya ang mga naging kalaro at kinakalaro niya upang mamuhay ng tahimik at sagradong buhay kapiling ang totoong minamahal.

Bakit hindi niya ako nagawang ibigin? Bakit sa huli, ako ang umibig at ako ang natalo? Dahil ba isa akong babae – na sadyang magkatugma ang puso at laman?

Bumilis pa ng bumilis ang bawat bawat segundo. Lalong lumalakas ang bawat daing at singhap, hanggang tumulo na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko pa kayang iwan si Patrick, ayoko pa. Pero sa pagdating niya sa langit, iiwan niya ako. Maiiwan akong mag-isa na nag-aasam pa. Maiiwan akong humihingi ng higit pa.

“Daisy…! agh!!”

Narating niya ang rurok ng kaligayahan. Sinundan ko siya. Ngunit ayoko pang magwakas ang napakagandang panaginip namin. Hindi ko pa kakayaning tumayo at iwan siya sa higaan dahil tapos na ang lahat, dahil tapos na ang papel ko, dahil tapos na ang gabi. Ngunit maaari bang manatili sa kaniyang higaan, panoorin siyang natutulog pagkatapos babatiin ng halik pagkagising? Maaari ko ba siyang makasama hindi lang hanggang alas-siyete ng umaga, maaari bang hanggang tanghali, hanggang hapon, hanggang sa susunod na gabi? Maaari bang siguruhin na makakasama ko siya hanggang sa magpakailanman?

Mga tanong na hindi ko tinatanong dati.

Habang naghihilik si Patrick sa tabi ko at nakadantay ang isang binti sa akin, nakatulala ako sa kisame. Naroroon ang ilang butiki na saksi sa aming pagsasanib. “Huwag kayong magsusumbong kay Nikki,” bulong ko. Tiningnan ko ang mukha ng natutulog na Patrick. Hinalikan ko siya sa noo. “Bwisit ka talagang ungas ka.”

Bumangon ako para pulutin ang mga damit ko sa sahig. Inaasahan kong gaya sa mga pelikula ay hahawakan niya ang kamay ko at pipigilan akong umalis. Ngunit tapos na ang lahat. Kelangan ko nang tumayo, kalimutan ang gabi at ipagpatuloy ang rutina ng buhay ko.

Gaya ng dati.

About miatot

three words: kalog, bastos, emo, makulit. motto: spill your heart on the party table. hobby: procrastination

2 Responses to KWENTONG FUBU (BAWAL BASAHIN NG MENOR DE EDAD)

  1. miatot ⋅

    panget ng grammar. rough exposition. maraming leaps. kulang sa sex. haha. mas maraming sex sa Putanginang Kwentong Fubu, or gagawa na lang ako ng Kwentong Fubu 4. wink wink

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s